Walang inaksaya na panahon si Justin. Pagkasarang pagkasara niya pa lang sa pinto ng sasakyan niya ay hinawakan na niya ang braso ko at kinabig ako palapit sa kanya. Napasinghap ako nang hawakan niya pa ang isang braso ko at siya na mismo ang naglagay ng mga braso ko sa leeg niya. He immediately tilted his head and claimed my lips! Sa isang iglap lang ay magkadikit na ang mga labi namin at sinisimulan na niyang halikan ako. Mariing napapikit ako at bahagyang ginalaw ang mga labi para tugunin ang mga halik niya. Mas lalo akong napapikit nang sa pagsubok kong tugunin ang mga halik niya ay sinubukan niyang ipasok ang dila sa bibig ko. Hindi ko napigilan ang mapaungol nang muling naramdaman ang husay niya sa paghalik. Para bang alam na alam niya kung paano masatisfy ang isang babae sa hali

