JUSTIN’S POV “Hey, Justin! Come out for a sec!” I’m currently rushing all my homeworks for tomorrow when my brother, Jace, comes to our classroom and calls me. Kahit na ayaw ko sanang tumayo para lumabas at kausapin siya ay ginawa ko pa rin dahil kung magtatagal pa siya sa labas ay mas lalo lang mag-iingay ang mga kaklase ko nang dahil sa kanya. Siguro para sa iba ay masaya na magkaroon ng kapatid na kasama mo sa iisang block. But for me? I don’t feel good about it. Tatlo kaming magkakapatid na pare-parehong nasa Engineering Block. Jen, our sister, decided to study in an all girl’s school. Mabuti na ‘yon dahil kung nandito pa siya at kumukuha rin ng Engineering ay baka mas lalo lang maging magulo ang buong block dahil sa aming magkakapatid. “Hi, Jace! Wanna hang out with us tonight?

