“Who’s cleaning your place? Do you hire a cleaner?” curious na tanong ko kay Justin nang nasa kitchen na kami ng unit niya. His unit is three times bigger than my unit here in the Young Bucks Society Building. Ang gusto ni Daddy ay sa VIP level rin kumuha ng unit para sa amin ni Kuya pero ang sabi ko ay sa ibaba na lang ako dahil wala naman akong balak na mag-stay palagi dito. Most of the VIP suites here are like a residential suite. Maluwang na para sa isang pamilya pero mas lalong maluwang kung nag-iisa lang katulad nitong si Justin. Pero nakakapagtaka lang dahil sobrang linis ng paligid kahit na nag-iisa siya dito. “I don’t hire cleaners here in my unit. Jared does it to him and he sometimes asks them to clean mine and Jace’s as well…” paliwanag niya. “But personally, I don’t want oth

