Hindi katulad ng pagsikat naming dalawa ni Justin ang nangyari kay Brett at sa agency nito. Hindi na kinailangan ng teaser dahil sa isang iglap lang ay binalita na kaagad ang pag-aresto kay Brett at sa agency nito. Alam kong hindi lang ako ang nabigla doon kundi halos lahat ng tao lalong-lalo na ang mga fans niya. Isang linggo lang matapos akong papirmahin ni Justin ay nagkaroon na kaagad ng warrant of arrest si Brett at ang agency nito dahil sa mga maling information na kinakalat ng mga ito sa social media at sa kung saan-saan na platform na pwedeng makasira sa image ko, ni Justin at ng kumpanya namin. Hindi ko alam kung paanong nagawa ni Justin na pati ang mga dating nabiktima ni Brett ay nagsalita at nagsampa ng reklamo laban sa kanya. It turns out that Brett had a history of s*xūal

