FAST FORWARD >
Labis ang pasasalamat ko ng si Jim upang magtrabaho na nga sa Manila. At makaramdam din naman ng kalayaan kahit pansamantala lang.
At dahil dito ay lalo naman akong napalapit kay Zach. At patuloy lang naming ginawa kung ano ang nasimulan namin noong elementary palang siya.
Nakakatuwa lang isipin na dahil dito ay na fulfilled niya ang pangarap niya. At sa tingin ko ay naging positibo naman ang resulta nito. Lalo pa at unti unti namang nagbabago ang pagtingin ko sa kanya.
At ngayon nga ay high school na siya at patuloy pa din namang masaya sa naging desisyon naming dalawa.
At minsan din ay nakakatawang isipin na kahit bata lang siya. At sobrang matured na niyang mag-isip.
To think na mas malaki pa nga ako sa kanya. Kahit naman 5 footer lang height ko.
Ngunit sa kabila nito ay mas nagustuhan ko ito. Dahil nga bata lang siya ay alam na alam kong hindi naman kami hahantong sa isang bagay na hindi naman talaga dapat.
Bagamat may kaunting kilig pa din naman ang mga ginagawa niyang mga small things subalit malaki naman ang impact sa akin.
At ito nga ay mas isipin siya kesa sa asawa kong si Jim...
***
"Mama, sure kaba na ikaw nalang talaga ang mag grocery?"
"Oo naman Zach, kasi ayan at male late kana."
"Ok lang naman noh, isa pa ay madalang naman yung ganito Mama."
"No! Magagalit ako sa iyo Zach kapag ginawa mo yan. Dahil dapat ang priority mo pa din ang pag-aaral... May usapan na tayo tungkol diyan, right?"
"Sabi ko nga Mama..." natatawang napapakamot pa sa ulo niya si Zach... "Kung ganon ay pasok na ko Mama."
"Yeah... Ok ingat ka Nak."
***
Matapos nga niyang makaalis ay mabilis naman akong dumiretso sa loob ng supermarket. Dahil nga sabay kaming nagpunta dito para din naman sana sa pagpasok niya.
Kumuha naman ako ng isang basket at tsaka dumiretso na ako sa mga estante upang hanapin na isa-isa ang mga nasa grocery list ko. At masaya ako na inilagay ito sa basket isa isa habang nag che check pa ako dala kong papel.
At ng makumpleto ko na nga ito at sandali pa nga akong huminto at tsaka naman nag compute ng mga pinamili ko ayon sa price tags niya.
Tsaka ko naman inilabas ang wallet ko upang bilangin ang dala kong pera.
Subalit kulang na kulang ito para sa compute kong 600 para naman sa 350 na dala ko.
Kaya masama man ang loob ko ay muli akong bumalik at pikit matang ibinalik ang ibang items na sa tingin ko ay hindi naman masyadong mahalaga.
Subalit alin nga ba sa mga ito hindi mahalaga? Samantalang ang lahat ng nasa basket ko ay kailangan namin.
Napabugtong hininga ako...
At tila wala sa sarili muling naglakad upang magbayad na sana sa cashier.
"Kailangan ba talagang tipirin mo ang sarili mo Tita? Samantalang pwede naman nating igawan ng paraan?"
Isang boses ng lalake ang sandaling nagpatigil sa akin dahil sa sinabi niya. At dahan dahan pa nga akong tumalikod upang makita siya...
"Zekie?..."
"Wala ng iba Tita." Nakangiting tugon niya sa akin.
May tulak tulak siya cart, at kumpara sa dala kong kakarampot na grocery items ay walang wala ito sa laman ng cart niya.
"So nag go grocery din pala ang isang mayamang lalakeng kagaya mo Zekie. Ang akala ko kasi ay mga kasambahay na ang gumagawa ng ganyan." Sabi ko pa habang nanatili naman akong nakahinto.
"Well, hindi ko naman talaga gawain ito. Nakita lang kasi kitang pumasok dito, at hindi mo din alam na masaya lang akong pinapanood ka habang nag go grocery at haba ding kinu compute mo isa isa ang inilalagay mo sa basket mo."
Nakaramdam ako ng bahagyang pagkapahiya. To think na nakita din niya kung paano ko ibinalik ang ibang item dahil kapos ang budget ko.
"Ganito kasi dumiskarte ang mga mahihirap na pamilya habang nandito sa supermarket Zekie. Na malayo sa nakasanayan mong malayang ilagay ang lahat ng maibigan mo, regardless kung kailangan nga ba ito o hindi." Sabi ko pa.
"Ang lalim namang hugot non Tita, ang totoo niyan ay para sa iyo itong dala ko. Tiningnan ko lang lahat ng grocery items na kinuha mo at tiningnan ang label tsaka naman ibinalik sa estante. Meaning, kailangan mo siya kaso yung budget mo ang inaalala mo, tama? Kaya naman nandito lahat ng yon Tita. Kasama na din yung isinoli mo isa isa." pangangatwiran pa niya, habang patuloy namang nakangiti at nakatingin sa akin.
Napailing ako at napangiti.
"Salamat kung ganon Zekie, pero hindi ko yan matatanggap." Sabi ko pa
Tsaka naman ako tumalikod at mabilis na naglakad papunta sa counter section.
"Pero Tita, sayang naman pala ito kung hindi mo kukuhanin. Tsaka isa pa ay masama ba talaga tulungan ko naman ang Mama ng kaibigan ko? At isa pa ay kapag tinanggihan mo ito, ay para mo na din akong ini reject bilang kaibigan mo naman."
Muli naman akong napahinto.
"Ngunit hindi mo yan dapat gawin Zekie."
He sighs
"What if pabayaran ko nalang sa iyo ito sa ibang bagay. Parang x-deal ganon." Patuloy pa niya.
Huminga ako ng malalim
"At ano naman yung ibang bagay na yon Zekie?" Napapataas pa ang kilay ko habang tinatanong ito sa kanya.
Ngumiti naman siya bilang agad na tugon.
"Simple lang Tita, ipagluluto mo lang ako ng masarap na Pork Adobo."
"Ano?! Para sa ganyang karaming groceries ay adobo lang ang kapalit?" Napapailing na sabi ko.
"Yes Tita, dahil minsan kong natikman ang Adobo na baon ni Zach. Sobrang sarap niya at pwede bang ipagluto mo din ako ng ganon?"
Napatingin ako sa kanya at,
"Sige Zekie...."
Dito magsimula ang matatawag na friendship namin ni Zekie. At simula din sa pangyayaring yon ay naging regular na bisita ko na siya sa bahay.
Madalas ay sa bahay na din siya kumakain.
Minsan ay nagre request siya na ipagluto ko siya. At minsan din naman at dala na siyang food at ito na din naman ang pinaghahatian namin.
Sa madaling salita ay nakabuo kami ng connection na dalawa. Isang friendship na sa tingin ko ay lumalim pa habang nagtatagal.
At tila nakasanayan ko na din naman ang presensiya niya.