After that incident, ay tuluyan ko naman iniwasan si Zekie. At aaminin kong natakot talaga ako ng sobrang sa pagiging mas intimate pa namin. Na aaminin ko ding sobrang nadadala ako sa pagdikit niya sa akin na para bang nagbibigay agad ng libo-libong boltahe na malayang dumadaloy sa aking p********e.
Na sa simpleng paghawak pa lang niya ng aking kamay ay agad itong namasa ng sobra...
Kaya naman mas pinili ko ang tama. At sobramg labag man sa aking puso at isipan ay gumawa ako ng isang tamang desisyon. At ito nga ang kusa akong lumayo sa isang temptasyon. Isang tukso na sa tingin ko ay hindi ko kayang kontrolin kapag nariyan na.
At tingin ko ay ito lang ang pinakabuti para sa akin at maging sa kanya.
Ang iwasan siya, at tuluyan na din namang hindi na magpakita pa sa kanya.
At nagsimula ako sa simpleng pag block sa lahat ng posibleng maging daan ng communication namin.
May pagkakataong pa ding dumadalaw siya sa bahay subalit hindi ko siya hinaharap pa.
Until dumating ang time na siya na din mismo ang sumuko. At tuluyan na ding hindi na nagpakita at ang huling balita ko pa nga ay sa Manila na ito nagpatuloy ng pag aaral niya.
Aaminin kong masakit ang naging desisyon ko. Subalit sobra akong natakot sa magiging bunga ng mga ginagawa namin.
Hindi para sa kanya, kundi para din naman sa akin...
"At kailan kapa natutong lumandi huh Mary Joy!! At talagang sa bata pa?! Bakit??... Dahil ba gwapo at mayaman? At nagbabakasakali kang mabago ang buhay mo ganon ba? Ambisyosa ka din tlaagang babae ka. O baka naman dahil masyado siyang agresibo sa kama. At nakakamot ba niya ng husto ang pangangati ng petchay mo." Galit na galit na sita sa akin ni Jim matapos ngang makauwi nito.
Napayuko ako at umiyak... Madami pa siyang sinabi na halos manliit ang buong pagkatao ko.
"Alam mong hindi ko kayang gawin ang mga binibintang mo Jim! Pero oo nagpupunta siya dito pero ni minsan ay hindi namin ginawa ang mga binibintang mo. Dahil kaibigan ko lang siya, at hinding hindi ang pakikipag relasyon na gaya ng sinasabi mo!" Katwiran ko pa sa pigitan ng mga hikbi ko.
"At ano pala, kung ganon? Nagtitigan lang kayo ditong dalawa o baka naman nag jack and poy kaya! Lumang palusot na yung mga ganyan Mary Joy. At dahil din naman sa mga inamin mong nagtatagpo nga kayo dito, ay para mo din namang pinatunayan sa akin ang mga bulong bulongan ng mga kapit bahay natin na may tumitira sa iyo dito na batang lalake. At hindi kana nahiya? O sadya makapal lang talaga ang mukha mo? Dahil na din diyan sa kalandian mo!"
Halos manliit ako sa hiya sa lakas ng boses niya. Na hindi na alintana pa kung madinig ba kami ng mga marites naming kapit-bahay... O baka sinasadya na talaga ito upang hiyain pa ako...
"Ito lang ang masasabi ko Jim, malinis ang kunsensya ko!! At walang katotohanan yang mga binibintang mo dahil mas kilala ko ang sarili ko, kesa naman diyan sa mga kapit bahay natin na walang inatupag kundi pag usapan ang buhay ng iba!!"
Galit na lumapit siya at, "E ungas ka pala talaga e tangina ka. Wag na wag mong dudumihan ang ulo ko Mary Joy!! Dahil ngayon mo palang makikita ang totoong galit ko. Dahil ang ayoko sa lahat ay ang malandi at makating asawa!!."
Magsasalita pa sana ako ngunit natigilan nalang ako sa isang malakas na sampal mula sa kanya.
Mabilis na tumakbo si Zach at niyakap ako...
"Papa tama na please... Dahil sa susunod na saktang mo pa ulit si Mama ay ako na ang makakalaban mo!" Galit na banta pa ni Zach sa kanyang Ama habang pilit naman niya akong inilalayo kay Jim.
Napangisi naman si Jim.
"Sige ganyan nga Zach, kampihan mo pa ang malandi nayan. Dahil mula sa gabing ito ay lalayas ko na kayo!... Mga leche! Magsama kayong mag-ina!!"
Ito ang kauna unahang pagkakataong pinagbuhatan ako ng kamay ng asawa ko. At dito ko din naman napatunayan kung paano ba ako handang ipaglaban ni Zach.
FAST FORWARD...
Lumayas ako sa bahay. At tila mamahanhid din ang buo kong katawan mula sa paglabas ko dito at makita ang mga taong lantarang ipinapakita sa akin kung gaano ba ako kasamang babae para sa kanila.
At yakapin lang ng mahigpit ang dala kong bag habang pilit na pinakakalma ang sarili mula na naman isang pagbabadya ng pag iyak.
"Mama..."
Mabilis na naman akong napalingon kay Zach at mapaiyak ng mahigpit niya akong yakapin.
"Mama sasamahan kita."
Tinugon ko naman ang yakap niya.
"Oo Anak, and yes aalis na tayo sa bahay na ito."
Kumalas ako sa kanya at bahagya pang ngumiti tsaka naman inakbayan siya at sabay na kaming lumakad palayo sa bahay namin.
Ang aming bahay na naging piping saksi mula sa mga pangarap na lahat ay nauwi sa kabiguan....
"Kila Nanay muna tayo uuwi Baby, ok lang ba sa iyong maglakad lang tayong dalawa? Wala kasing pera si Mama. Pero medyo malapit lang naman siya diba?"
Hindi totoo ang sinabi ko kanyang malapit lang ito, dahil sa kabilang bayan pa ang bahay talaga ni Nanay. Ang lugar na kinalakihan ko din naman.
"Yes Mama, kayang kaya natin yan, basta kapit ka lang sa akin kapag napapagod kana okay."
"Sige Baby..."
Hinayaan ko naman siyang yumakap sa baywang ko. At muling magsimulang humakbang papalayo na sa amin.