NADIA’S POV
“Inang oras na po nang pag-inom niyo ng gamot” sabi ni Jenny
“Salamat apo” tugon ko
Maliit pa lamang si Jenny ay nasa akin na ito, ako na ang tumayong magulang niya. Namatay ang anak kong si Carmela noong ipinanganak niya si Jenny, habang ang tatay naman nito ay hindi na nagpakita mula noong mabuntis ang anak kong si Carmela.
Ako heto napagdesisyunan ko na manirahan na lamang dito sa probinsya. Hindi maganda para sa aking may edad na tumira sa Maynila, masyadong maingay. Dito kahit papaano tahimik, maayos ang simoy ng hangin.
*ringgggg ringgggg*
Dali-dali namang tumakbo si Jenny patungo sa aming telepono.
“Hello”
[sa kabilang linya] “Jenny si tita Angela mo ito. Andito na kami sa bayan. Naliligaw kaming kaonti. Diba saka pa lamang kami kakanan kapag makalampas na kami sa Caltex katapat ng Mercury d**g, tama ba ako?”
“Opo tita Angela”
“Oh sige malapit-lapit na kami. Napainom mo na ba si mama ng gamot niya?”
“Opo tita. Kakainom lang po niya”
“Heto na nakita na namin ‘yong kanto niyo. Abangan mo kami sa labas ng bahay Jenny”
“Sige po tita”
Ibinibaba na ni Jenny ang aming telepono.
“Inang malapit na raw po sina tita Angela. Hihintayin ko lamang sila sa labas” bakas sa tono ni Jenny ang pagkasabik
“Sige apo mag-iingat ka”
Dali-daling tumakbo si Jenny palabas. Mag-iisang taon ba naman silang hindi nagkita ng mga pinsan niya kaya hindi alintana na labis ang saya ni Jenny.
*beep beep*
Dahan-dahan akong tumayo upang sumilip sa bintana. Nakarating na nga sina Angela.
Ikalawa sa apat kong anak etong si Angela. Ang panganay ko na si Benjamin ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Amerika, maganda na ang buhay niya doon. Ang ikatlo ko namang anak ay si Colleen, napakabait na bata non kasalukuyan ‘yong nasa Manila nag-aasikaso siguro ng mga business niya. Ang ikaapat kong anak ay si Carmela.
Etong si Angela halatang maganda na ang takbo ng buhay, napagtapos ko ng Doktor. Bilang ina ng mga batang ito sobrang nakakagalak ng puso lalo na’t alam kong matagumpay na sila lahat, at alam ko na proud na proud din mula sa taas ang asawa kong si Marco. Panigurado nagkita na sila ni Carmela sa taas.
“Mamaaaaa andito na kamiii” masayang sambit ni Angela habang iwinawagayway pa ang kan’yang mga dala.
Agad na lumapit sa akin si Angela at niyakap ako.
“Kumusta ka naman mama, inaalagaan ka ba nitong si Jenny. Baka mamaya hindi ah tatanggalan namin ‘yan ng allowance”
“Ano ka ba anak ang galing nga mag-alaga nitong apo kong si Jenny, ni hindi na nga makapag-nobyo ang batang to. Kasi nakatuon na sa akin ang pansin” natatawang sambit ko
“Ma nagluto ba kayo, kasi kung nagluto kayo ay baka mapanis lang ‘yan. Ang dami naming dinalang pagkain sa’yo. Kasama na dito inang ang paborito mong sinigang na bangus at kung ano-ano pa”
“Nasaan ang sinigang na bangus ko Angela. Alam na alam mo talaga na labis ang pagmamahal ko sa sinigang na bangus lalo na ang paborito kong parte na tyan”
“Ay nako ma, pinaramihan namin ang tyan na part”
“Kumain na ko kanina, pero mukhang mapapasabak ako ulit hahahaha”
“Pretty lolaaaaa na-miss ka namin” malakas na sambit ni Kimberly. Anak ito ni Angela. Agad tong tumakbo palapit sa akin para yumakap kasunod nito ang kapatid nitong si Yzabel at Michael.
“Mga dalaga at binata na ang mga apo ko parang kailan lang ang liliit niyo pa ngayon ay ang gaganda’t gwapo”
“Maliit na bagay lola kanino pa ba namin makukuha ang gandang ‘to syempre sa’yooooo” pabirong sabi ni Yzabel
“Angela nasaan na ba ang asawa mong si Ryle?”
“Baka nasa baba pa ma. May kausap siguro sa telepono alam mo naman business minded.”
“Ayos na po ‘yong mga pagkain” pasigaw na sabi ni Jenny.
“Oh halika na sa baba ma para kumain. Alalayan niyo ang lola niyo” Sambit ni Angela
“Magandang gabi po tita” magalang na sambit ni Ryle
“Napakagwapo mo talaga iho bagay na bagay kayo ng anak ko”
“Sobrang bagay po tita kaya nga nakatatlo kami nito ni Angela. At kung papalarin dadagdag pa ng isa hahahaha” natatawang sambit ni Ryle
“Hoon, parang sira to naririnig ka ng mga bata oh” hinampas sa balikat ni Angela ang kanyang asawa
“Ayos lang naman bumuo kayo, basta kaya niyong buhayin walang problema” tugon ko
“Ohmygee iz diz magkakaroon ng bagong kapatidddd” sambit ni Yzabel
“Ayan ka na naman sa pagiging conyo mo ate” saway ni Michael
“Nakakatuwa talaga kayo mga apo. Matanong nga kayo ba ay may mga jowa na?” tanong ko sa mga ito
“Ay nako ma kung alam mo lang grabe ‘yang mga ‘yan. Etong si Kimberly may pinopormahan, eto namang si Michael patay na patay sa crush niya mula nang grade 7 siya. At eto namang si Yzabel sila na nung kababata niya…….” sambit ni Angela
Kababata. Napahinto ako sandali nang marinig ko ang salitang ‘yon. Nakakamiss maging bata, ‘yong tipong laro-laro lang sa labas. Samantalang ngayon parang hinihintay ko na lamang ang oras ko na tuluyang lumisan dito sa lupa.
“Inang ayos ka lang ba?” nabalik lang ako sa ulirat nang hawakan ni Jenny ang aking kamay.
“Ayos lang apo. May naalala lang” tipid na sambit ko.
“Nako ma ‘pag tapos nating kumain magpahinga ka na. ‘Wag ka na maggagalaw-galaw baka mapano ka pa” nag-aalalang sabi ni Angela
Nagtuloy-tuloy lang kaming kumain hanggang sa matapos kami.
“Tutulungan ko na po si Jenny magligpit ng mga pinagkainan natin” magalang na sambit ni Kimberly.
“Sige apo aakyat na ko. Magsabi lang kayo kapag may kailangan kayo” inalalayan naman ako ni Angela at ng kanyang asawa patungo sa aking kwarto.
“Oh kayo na ang magdesisyon kung magsasama-sama kayong magpapamilya sa iisang-kwarto o bubukod kayong mag-asawa para maglabing-labing. Kayo na ang bahalang mamili ng kwarto niyo.”
“Ma namann…”
“Lezzgo ikaapat hahahaha” sambit ni Ryle
Nang maihatid nila ako sa kwarto ko ay agad namang lumabas ang mag-asawa.
Naririnig ko pang bumulong si Ryle na parang honeymoon ulit nila.
Napailing na lang ako sa kalokohan ng mag-asawang ‘yon.
Nilapitan ko ang litrato namin ni Marco.
“Mahal miss na miss na kita. Miss na miss ko na ang mga yakap mo. Hayaan mo konting panahon na lang magkikita na rin tayo” niyakap ko ang litrato naming dalawa at bumalik na sa higaan
Ilang oras ang makalipas ay nagtungo sa aking kwarto ang aking mga apo na sina Kimberly, Yzabel, Michael at Jenny.
“Oh mga apo anong oras na at bakit hindi pa kayo matulog?” tanong ko sa mga ito
“Hindi po kami makatulog inang. Ayos lang po ba kung dito muna kami sa kwarto mo” kumakamot ang ulong sambit ni Jenny
“Wala namang problema mga apo. Pwede ngang dito na rin kayo matulog” sambit ko
“Yeeyy” masayang sabi ni Yzabel
“Lola nabanggit kasi sa amin nitong si Jenny na kinekwentuhan niyo raw siya kapag hindi siya makatulog” sabi ni Kimberly
“Ayy oo gusto niyo kwentuhan ko kayo?”
“Yes na yes lola” sabi ni Yzabel
“Oh sige ano bang gusto niyong kwento?”
“’Yong ano lola ganda, ‘yong tungkol sa stars. Basta ‘yong latest na sinabi sa amin ni Ate Jenny” Sabi naman ni Michael
“Stars? Marami akong nakwento sa kanya na tungkol sa stars.”
“Ahhh inang baka ‘yong tungkol sa first love mo ayon kasi ‘yong last na sinabi ko sa kanila.” Sambit ni Jenny
“Huuuuy baka multuhin tayo ni Lolo Marco n’yan patay na nga ‘yong tao gusto niyo pang ipakwento” sambit naman ni Kimberly
“Mga apo hindi si Lolo Marco niyo ang first love ko.”
“Po??” sambit ni Michael. Bakas ang pagkagulat sa boses nito.
Hindi ko rin nabanggit kay Jenny na hindi si Marco ang first love ko pero siya ang one great love ko.
“Oh sige kung ‘yon ang gusto n’yong kwento. Ikekwento ko sa inyo. Umupo kayo dyan” sambit ko sa kanila