"Mi Loves TJ Ko…" Ani ko habang kinukurap kurap ko pa ulit ang mga mata ko. Hindi nga ako namamalikmata or naghahallucinate. Si Mi Loves TJ ko nga ang nakikita ko sa harapan ko na katabing nakatayo ni Nanay. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Paano siya nakarating dito? Paano niya nalaman na andito ako ospital? Bago ko pa maisalita ang mga tanong na nasa isip ko ay halos patakbong tinawid na ni Mi Loves TJ ko ang distansiyang papunta sa kamang kinauupuan ko matapos niyang ibaba sa sahig ang bag na dala niya. Agad niya akong niyakap at siniil ng halik sa mga labi ko. Mga halik na tila nagsasabi sa akin na andito na siya at wag na akong mangamba dahil kasama ko na siya. Kasama na namin siya ni Baby Mi Loves namin. Tinugon ko ang kanyang mga halik. Naramdaman ko ang pagtulo ng

