Nakasandig ang ulo ko sa balikat ni Mi Loves TJ ko habang nagdadrive siya. Sabi niya may dadaanan lang daw muna kami bago umuwi ng barracks. Huminto kami sa isang bahay na mukhang barracks din na may tatlong lalake na nakaupo sa labas nito. As his usual gentleman self, pinagbukas ako ng pinto ni Mi Loves TJ ko at inalalayang bumaba ng sasakyan. Magkahawak kamay kaming lumakad palapit sa mga nakaupong lalake. Nakatingin naman sila sa amin at mga nakangiti sila habang papalit kami. "Putcha, si Pareng TJ pala. Long time no see Pare. Tagal mong hindi napunta dito." Sabi ng isa. Tinapik pa si Mi Loves TJ ko sa balikat. Napansin kong lahat sila ay nakatingin sa akin. Medyo naasiwa ako pero pinilit kong ngumiti sa kanila. Pinisil ko ang kamay ni Mi Loves TJ ko. "Aba at may kasama ka pare

