Nang magmulat ako ng mga mata ay nasa isang kwarto na ako na kulay puti ang pintura at sky blue na kurtina. May nakakabit na heartbeat monitor sa akin na tumutunog at may dextrose na nakatusok sa kamay ko. Nasa ospital ako. Naisip ko. Pupungas pungas ako na nilibot ko ang paningin ko sa aking paligid. Nakita ko sina Nanay, Kris at Alyssa na nakaupo sa sofa sa may paanan ko. "Nay." Tawag ko kay Nanay na medyo gumaralgal pa ang boses ko. Agad lumapit sa akin si Nanay kasunod ang dalawa kong kaibigan. "Leci, anak, kumusta na pakiramdam mo?" Nagaalalang tanong sa akin ni Nanay. "Sissy, ano ba nangyari sayo?" Dagdag na tanong sa akin ni Kris. "Tinakot mo kami, sissy. Kaya agad agad kaming pumunta dito nang tumawag si Nanay sa akin." Nag-aalala ding sabi sa akin ni Alyssa. Napahagulg

