Kanina pa sinusundan nina Kean at Andy ang dalawa. Hanggang sa humantong sila sa isang hotel. May balak atang magpakasarap si Greg at ang babaeng kasama nito ngayong gabi. Pero hindi sila interesado sa gagawin ng mga ito. Ang kailangan nila ay impormasyon kung saan nandoon ang babaeng sadya talaga nila. Hinintay nilang makapasok ang mga ito.
Nag-check in nga si Greg at ang babaeng kasama nito. Matapos makapagbayad ay ibinigay na sa kanila ang susi ng nasa front desk. Tumuloy na ang mga ito sa loob.
Nang makapasok ang dalawa ay saka naman daling lumapit sina Kean at Andy sa front desk. Nagpakilala sila na mga agent at nagpakita ng ID. Sinabi nila na under surveillance ang lalaking kakapasok lang. Wala na silang sinabi na iba pang impormasyon sapagkat confidential ang identity nito.
Pumayag naman ang babae pero binalaan sila na wag masyadong mag-ingay dahil may iba pang mga naka-check in ang nandoon. Ibinigay rin nito ang numero ng kwarto. Malaya silang nakapasok sa loob ng hotel. Nasa second floor ang kwarto na sinabi ng front desk. Dahan-dahan nilang tinalunton ang hallway at ang hagdan papunta sa ikalawang palapag. Bawat hakbang nila ay maingat nilang ginagawa.
Mula ng umalis sila sa bar ay mukhang hindi naman nakahalata ang Greg Sto. Domingo na sinusundan nila ito. Mukhang lunod na lunod na ito sa alak kanina at sa babaeng kasama nito. Halatang wala itong kamalay-malay na may nagmamatyag at sumusunod sa kanila.
Naabutan nila ang dalawa na nasa tapat na ng tutuluyang kwarto ng mga ito. Nakaakbay pa si Greg sa babae at panay ang nakaw ng halik sa pisngi at leeg nito. Samantalang ang babae naman ay abalang binubuksan ang pinto. Dinig na dinig pa nila ang halakhak ng dalawa ng makapasok ang mga ito. Iyon na ang pagkakataon na hinihintay nila.
"Lusuban na," ani Andy at naghanda na sila para sa kanilang gagawin na pagpasok.
"Attack!" sabi ni Kean.
Maingat ang kanilang lakad habang papalapit sa kwarto. Animo'y mga pusa sila. Ingat na ingat sa bawat hakbang. Walang kaingay-ingay ang kanilang mga yapak. Nasa tapat na sila ng pinto. Ayaw man nilang disturbuhin ang dalawa sa loob sa kanilang "private moment" pero kailangan nila bitinin.
Si Andy ang unang kumatok. Dinig na dinig ang nakakalokong tawa at halinghing ng babae. Pero walang nagbukas ng pinto. Muling kumatok ito. Tuloy pa din ang ingay mula sa loob at lalong lumakas pa.
Hindi siguro napansin ng mga ito ang katok mula sa labas. Nasa kasarapan na ang dalawa malaman kaya ay ayaw nang intindihan pa ang nasa labas.
"Pag ako nainis at hindi pa bumukas ang pintong 'to. Gigibain ko 'to!" banta ni Andy.
"Ano ka ba, Bro. Easy lang. Lalabas rin 'yan sa lungga," ani Kean na chill lang at confident pa. Ito naman ang kumatok ng pinto.
Nagulat pa sila ng biglang bumukas ang pinto. "See."
"Anong---"
Walang nang iba pang salita ang lumabas sa bibig ni Greg ng makita sina Kean at Andy sa labas. Gulat agad ang rumehistro sa mukha nito.
"Sino kayo?" tanong nito na pinatapang ang tono.
Hindi nito alintana na naka-underwear lang ito. Samantala ang babae naman ay halatang nagulat din kaya agad na nagtakip ng kumot sa sarili. Nakasiksik ito sa gilid ng kama.
"Hindi mo na kailangan malaman kung sino kami. Kami ang may kailangan sayo." Si Andy.
"Hindi ko kayo kilala." Sabay sara ng pinto. Pero naging maagap si Kean at naharang nito at napigilan ang pagsara ng pinto.
Sinipa ni Andy ang pinto dahilan para bumukas ng husto iyon. Napatumba si Greg sa sahig. Agad silang pumasok sa loob at sinara ang pinto.
"Anong kailangan niyo sa akin?" nakangiwing tanong ni Greg. Halatang nasaktan sa malakas na pagkakatumba nito. Mapapansin din na medyo natakot ito.
"Marami," sagot ni Kean na nasa harap nito.
"Wag kang gumalaw kung ayaw mong madamay," ani Andy sa babae na balak sanang tumawag sa telepono.
"Tumayo ka!" utos ni Kean kay Greg."Magbihis ka."
Dali-dali itong bumangon at isinuot ang mga damit. Pagkatapos ay hinila ni Andy ang kwelyo nito at pinaluhod.
"Hindi ka naman namin susurpresahin ng ganito. Mayroon lang kaming kailangan sa'yo. Nasaan si Sabel Montero? Asan mo siya dinala?"
"Hindi ko alam 'yang sinasabi n'yo. Wala akong kilalang Sabel," pagtanggi nito na halatang kinakabahan.
"Pinaglololoko mo ba kami? Paanong hindi mo siya kilala eh girlfriend mo siya," maotorisadong sabi ni Kean.
"Wala akong girlfriend!",tanggi pa din nito.
"Alam ng lahat na may relasyon kayo at sumama siya sa iyo dito." Medyo tumaas na ang boses ni Kean. Nagpipigil na wag niya itong masapak.Namimilosopo pa ang putcha.
"Hindi ko nga alam 'yang Sabel na hinahanap niyo." Si Greg na todo tanggi pa din.
"Ayaw mo talagang sabihin kung nasaan si Sabel. Pwes pasensyahan tayo!" gigil na din si Andy at akma niya itong susuntukin pero pinigilan siya ni Kean.
Dahil don ay nagkaroon si Greg ng pagkakataon na matulak si Kean dahilan para mawalan ito ng balanse at kapwa sila natumba. Nakatakbo at nakalabas si Greg ng kwarto.
"s**t!" bulalas ni Kean at nagmadaling bumangon at hinabol ito.
Hindi pa tuluyang nakakalayo si Greg. Naabutan nila itong tumatakbo sa hallway.
"Tigil!" sigaw ni Kean at nagpatuloy sa paghabol dito.
Nasa likod naman si Andy na tumatakbo rin at nakasunod sa kanya. Halos nakagawa sila ng ingay sa pagtakbo nila. Ang mga nasa ibang kwarto ay napasilip sa pinto dahil sa ingay na nagaganap sa labas. "Tigil!"
****
Pasado alas onse na ng gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Sherri. Naiinis kasi siya dahil kanina pa nagri-ring ang kanyang cellphone. Ang kanyang mommy ang tumatawag. Pero ayaw niya itong kausapin. Galit pa rin siya sa mga magulang niya. Rinding-rindi na siya sa kakaring ng kanyang cellphone. Kaya tuluyan na niyang ini-off iyon.
Bumangon siya sa kama. Balak niyang magpalipas ng oras sa labas. May mga malapit na bar doon kaya dun niya papatayin ang kanyang oras hanggang sa antukin siya. Nagpusod lang siya ng buhok at tuluyan ng lumabas ng kanyang kwarto.
Nagulat pa siya ng makasalubong ang lalaki na tumatakbo. Bigla na lamang siyang sinunggaban nito at hinatak. Pinulupot nito ang isang kamay sa kanyang leeg na at ginawa siyang parang hostage. At ang isang kamay naman nito ay hawak ang kanyang mga kamay sa likod. Hindi siya makagalaw. Shock si Sherri at napangiwi siya sa sakit ng pagkakahawak nito sa kanya.
"Sige, lumapit kayo kundi masasaktan ang babaeng ito," sigaw ni Greg na hawak pa rin si Sherri.
Napansin ni Sherri ang dalawang lalaki na humahabol at pawang may mga b***l na nakatutok sa kanila.
"Ano ba bitawan mo ko?" pagpupumiglas ni Sherri.
Nasasaktan kasi siya at the same time ay natatakot din. Di niya lubos akalain na madadamay at mangyayare ito sa kanya. Ang mahostage ng wala sa oras.
"Wag kang malikot. Babaliin ko 'tong leeg mo," banta ni Greg at pilit na hinila palayo ang hawak na dalaga.
Nasasaktan na talaga si Sherri. Hindi siya makahinga sa higpit ng pagkakahawak nito sa leeg niya. Sinasakal na siya nito. Wala siyang alam sa self defense kaya di niya alam kung paano niya ito mapapabagsak para makawala.
"Bitawan mo siya!" sigaw ni Kean.
Napatingin si Sherri sa lalaking sumigaw. Medyo pamilyar kasi ang boses nito. Nakilala niya ito.
Si Kean.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Para kasi itong action star sa suot at porma nito habang hawak ang b***l. Manly and astig.
"Gago ka ba? Hindi ako uto-uto. Ulol!" pang-aasar ni Greg at lalo pang diniinan ang pagpulupot sa leeg ni Sherri.
"Aray!" daing ng dalaga. "Kean, help me!" sigaw niya at pilit tinitiis ang sakit.
"Sherri?" hindi makapaniwalang tawag ni Kean.
"Oo, Kean. It's me. Tulungan mo ako. Argh---."
"Sherri!" Nag-aalalang sigaw muli nito.
"Hanggang diyan na lang kayo. Wag kayong lalapit. Mamatay 'tong babaeng 'to."
Unti-unti silang umuusad ng patalikod. Hila-hila niya ang dalaga. Slowly but with aggresiveness. "Wag kayong sumunod kung gusto niyo pang makitang buhay 'to!" banta pa ni Greg.
"Kean..." anang dalaga. Asking and begging for help. She want Kean to save her from this crazy man.
Samantala ay dahan-dahan din ang kilos nina Kean at Andy. Hawak pa rin ang mga b***l. Ingat na ingat na wag madamay at masaktan ang dalaga. Sisihin niya ang sarili pag may masamang mangyare dito.
Unti-unting hinihila si Sherri ni Greg. Umabot na sila sa dulo ng pasilyo. Wala na silang pwedeng lusutan maliban sa nakabukas na bintana na nasa kanilang likuran. Bigla siyang binalot ng takot.
"Wag naman po sana," nausal niya sa isip.
Patuloy pa rin sa pagsunod sina Kean at Andy.
"Wala ka nang pupuntahan, Greg. Kaya sumuko ka na." Si Kean na determinadong iligtas ang dalaga mula dito.
"Yun ang akala niyo," anito.
Itinulak nito ang dalaga kaya nasubsob ito sa sahig at sabay talon sa bintana. Isang putok ang pinakawalan ni Kean at nagmadaling tinungo ang dalaga na natumba agad na dinaluhan. Tinulungan niya itong makatayo.
Isang putok pa ang pinakawalan ni Andy para kay Greg na unti-unti nang tumatakas sa ibaba. Mabilis itong nakatakbo at nakalayo. Hinabol pa rin ito ni Andy sa pag-asang maabutan ito.
Naiwan sina Kean at Sherri.
Putol na naman ang lead nila sa paghahanap kay Sabel Montero ngayong nakatakas si Greg. Siguradong magtatago na ito ngayong alam na nitong hina-hunting siya.