Chapter Seven

1462 Words
Matapos nilang makausap ang mga residente doon ay lihim nilang kinausap ang may-ari ng boarding house na tinutuluyan ito. Napag-alaman nilang tama ang sinabi ng mga kalapit nito na doon ito tumutuloy. "Ale, pwede po ba namin siyang makausap?" Si Kean. "Naku, tamang-tama andiyan siya sa taas. Sandali lang at tatawagin ko." Tinalikuran sila nito at pumasok saglit. Mula sa labas ay dinig na dinig nila ang pagtawag nito. Ilang sandali pa ay bumalik ito. "Bababa daw siya. O siya maiwan ko na muna kayo at may nakasalang akong niluluto. Bahala na kayong mag-usap dyan." At dumiretso na sa kusina. "Salamat ho," pahabol pa ni Kean. Naiwan silang tatlo. Umaasa silang malulutas na nila ang kaso. Sa dami ng nahawakan nilang mga kaso ay ordinaryo lamang ito. Hindi naman ito gaanong kaseryosong kaso. Ngayong nandito na sila at kumpirmadong nandoon ito. Hindi na nila palalampasin ang pagkakataon pa. Hindi na nila papakawalan pa. Kung tutuusin ay hindi naman nila ito kailangan. Ito ang lang main lead nila para mahanap si Sabel since may mga nakapagsabing sumama nga daw ang dalaga dito. Ito ang susi at dahilan para malutas ang kaso. This time di na nila ito hahayaan na makatakas pa. Kailangan nilang maging alerto. Nakasalalay dito ang kalutasan ng kaso at ito ang may alam sa kinaroroonan ng dalaga. Halatang tinatago nito ang dalaga pwera na lang kung hindi niya talaga kasama ito gaya ng unang pagtanggi nito. Pero bakit kailangan pa niyang manlaban sa kanila? Nagawa pa niyang gawing hostage si Sherri na muntikang ikinapahamak ng isa para lang makatakas siya. "Aling Anita sinong naghaha--- " Gulat agad ang rumehistro sa mukha ni Greg ng makalabas at makita sila Kean. Hindi niya inaasahan ang mga taong naghahanap sa kanya. Nakadama ito ng takot at walang ano-ano ay tumakbo palayo. Hinabol nila ito. "Tigil!" sigaw ni Kean habang tumatakbo at humahabol dito. Hindi pa ito nakakalayo. Nagsuot ito sa mga eskinita kaya nagpasya silang tatlo na maghiwa-hiwalay para madali nilang mahuli ito. May mga b***l silang dala pero hindi nila magagamit iyon dahil residential area ang lugar. Maraming mga tao na nasa labas. Maraming mga nakatira na posibleng madamay. Kaya minabuti nilang habulan ito para makorner. Bawat eskinita na madaanan nila ay ginagalugad nila mabuti. Posible kasing nagtatago lang ito sa mga gilid-gilid. Sayang pa naman ang pagkakataon kung pakakawalan pa nila ito sa ikalawang pagkakataon. Hinihingal sila sa pagtakbo. Sadyang napakabilis nito at nawala agad ito. Alam na alam ang mga pasikot-sikot. Kailangan nilang mahanap at maabutan ito. Lalo lamang nito ginugulo ang kaso. Nagtataka pa ang mga tao sa bawat eskinitang kanilang nadadaanan. Patuloy lamang sila sa pagtakbo. Isang eskinita ang napasukan ni Kean pero nakasalubong niya si Andy. "Ano nakita mo?" tanong ni Kean kahit na hinihingal. "Wala eh," sagot din ni Andy na hinihingal din. "Saan kaya nagsuot ang gagong 'yun?" Medyo naiinis na ang tono ng boses ni Kean. "Kanina pa nga ako paikot-ikot. Ilang eskinta na rin ang napasukan ko pero hindi ko makita." "Pwes kung gusto niya ng habulan at taguan, ibibigay ko sa kanya. Bahala na kung anong mangyare!" galit na banta nito. "Sige bro, diyan ka dito ako kabila," ani Andy at tinumbok ang eskinitang tinuro nito. Galit na pinasok ni Kean ang eskinitang iyon. May mga nag-iinuman pa banda roon at mga mga batang nagtatakbuhan paroon at parito. Nagtanong siya sa mga nag-iinuman kung may napansin silang tumatakbong lalaki. Deniscribe niya ito. "Oo, tiyak maabutan mo pa 'yun. May mga dalawang minuto pa lang ang nakaraan. Nabangga pa niya ang isang bata eh," sagot ng isa sa mga nag-iinuman. "Sige ho salamat." At nagmadaling tumakbo sa direksyong tinuro ng mga ito. Malakas ang kanyang kutob na si Greg nga iyon. Tuloy-tuloy siya. Ito na yata ang kahuli-hulihang eskinita. Malapit na siyang makarating sa dulo. Mga kasukalan na ang kanyang natatanaw. May posibilidad na doon ito nagsuot at nagtago sa masukal na bahagi. Malakas talaga ang kanyang pakiramdam. Wala na itong pwedeng puntahan pa kundi doon lang. Kumpiyansa siyang doon niya ito makikita. Hindi siya nagdalawang isip. Tinahak niya ang lugar. Di niya alintana ang mga dawag at siit na dumadaplis sa kanyang mga braso at kamay. Mabuti nalang at nakapantalon siya. Hawak ang b***l ay pinakiramdam niya ang paligid. Napakatahimik niyon at tanging mga huni ng mga ibon ang maririnig na nasa sanga ng puno. Nagpatuloy siya at lalo pang tinalasan ang kanyang mga mata at pandinig. Sigurado siyang nandiyan lang ito sa tabi-tabi. Ilang sandali pa ay isang kaluskos ang umagaw ng kanyang atensyon. Naging alerto siya at itinutok ang hawak na b***l sa pinanggalingan niyon. Tumigil siya at hindi gumalaw sa kinatatayuan. Hinintay niyang lumabas ang may gawa ng ingay ngayon. Laking gulat niya ng lumitaw ang isang asong may tangay na karne. Sa sobrang galit ay nasipa niya ito at napamura ng wala sa oras. Tahimik muli ang paligid. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Kean ang isang lalaking tumatakbo sa may di kalayuan. Si Greg nga iyon. Hinabol niya ito. Pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo. Isang putok ang kanyang pinakawalan sa ere. Isang warning shot para tumigil ito sa pagtakbo. "Tigil!" sigaw niya. Tumigil ito sa di kalayuan. Unti-unti namang lumalapit si Kean sa kinaroroonan nito habang nakatutok ang b***l sa lalaki. "Wag kang magtagkang gumalaw. Hindi ako magdadalawang isip na iputok ang b***l na 'to sa'yo. Pinagod mo pa kami. Hayop ka. Taas ang mga kamay." Sumunod naman ito. "Humarap ka dito," utos ni Kean. Humarap naman ito na nakataas ang kamay bilang tanda na suko na ito. "Ano bang kailangan niyo sa akin ha?" "Nasaan si Sabel Montero?" Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Halatang may alam ito. "Ano bang kailangan niyo sa kanya ha? Bakit niyo ba siya hinahanap?" Totoo nga na alam nito ang kinaroroonan ng dalaga pero bakit nung nakaraan nang tanungin nila ito ay hindi nito kilala ang babae. Posible kayang epekto lang ng alak kaya tinanggi niya iyon? "Kailangan namin siyang maibalik sa mga magulang niya. Nasaan siya?" Ngumisi ito na parang nang-iinsulto. "Bakit ko naman sasabihin?" Sabay tawa. "Wag mo akong gaguhin, Greg. Hindi ako nakikipaglaro sa'yo. At lalong hindi ako nagbibiro sa'yo. Pasensyahan tayo." "Bakit anong gagawin mo? Babarilin mo ako? Sige tuloy mo!" hamon pa ni Greg. "Wag mo akong susubukan," banta ni Kean. "Sinong tinakot mo?" sabay ngisi. Pinaputok niya ang b***l. Nanlaki ang mata ni Greg sa kanyang ginawa. Hindi na ito nakagalaw sa sobrang gulat. Hindi ito makapaniwala na seryoso siya at totohanin nito ang banta. Binalot ito ng takot at kaba. "Ngayon alam mo nang hindi ako nagbibiro." Habang nakatutok pa rin ang b***l. Tinatakot niya lang ito kaya hindi niya iyon pinatamaan. "Nasabi mo lang 'yan kasi may b***l ka. Pero ang totoo takot ka rin talaga. Aminin mo na kasi na isa ka ring duwag, " insulto pa nito. "Tumigil ka!" galit niyang sabi. "Bakit hindi ba totoo?" Ayaw niya sanang patulan ito pero masyado nitong minamaliit ang kanyang kakayahan. Nakakainsulto sa kanya ang mga sinasabi nito. Nakaka-lalaki na ito. Hindi siya duwag pero kailangan niyang patunayan na mali ang sinasabi nito. Pagbibigyan niya ito sa gusto niya. Inihagis niya ang b***l sa tabi. "Papatunayan ko sa'yo na hindi ako duwag." At sumugod ito. Inundayan niya ito ng suntok. Tinamaan ito sa panga dahilan para matumba. Dumugo ang ilong nito sa sobrang lakas. Susundan pa niya sana pero agad itong nakabawi. Muli itong nakabangon. Pinahid ang tumulong dugo sa ilong at agad ding sumugod. Isang suntok din ang pinakawalan nito pero sa hangin ito tumama dahilan para ma-out of balance at tumumba. "Gago!" ani Kean at sinakyan ito. Muli niya itong pinadapuan ng sunod-sunod ng mga suntok. Halos lugmok na ito at duguan. Hindi napansin ni Kean na naabot nito ang b***l na binitawan niya kanina. Nakuha nito iyon at agad na itinutok sa kanya. Biglang naalarma si Kean at napalayo dito. Unti-unti itong tumayo si Greg kahit na nahihirapan. Nakatutok pa rin ang b***l. Nakangisi pa ito ngayong nasa kanya na ang b***l. He has now the power to control Kean. "Ibaba mo 'yang b***l," pakiusap ni Kean. "Ano ako sira? Gago ka pala eh!" "Ikaw na nga ang nagsabi na duwag lang may baril." "Oo, ako nga. Pero hindi ako uto-uto na tulad mo. Naniwala ka naman. Kaya magdasal ka na dahil katapu--- . Argh!" Isang putok ang umalingawngaw. Natumba bigla si Greg at nabitawan nito ang b***l. Dali niya itong kinuha. Binaril pala ito ni Andy mula sa likod. Hindi napansin ni Greg iyon. Kaya pinatamaan niya ito sa braso. "Ano, Bro ayos ba?" ani Andy ng makalapit. "Muntikan na ako dun. Salamat!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD