Paano ako makakatulog? Paano 'to? Patuloy pa rin ang boses na naririnig ko. Gusto ko na natapos lahat 'to pero bakit ganito. Patuloy lang tumutulo ang luha ko habang nakatakip ang kamay ko sa tenga ko. Ang dugo sa pulso ko ay tuloy pa rin sa pag tulo. "M-Mommy..." mahinang tawag ko. "Tulungan ko ako." tumutulo ang luha ko habang nanginginig ang boses ko. "Hindi ka tutulungan ng Mommy mo. Wala s'yang pakielam sa'yo." umiling iling ako. "Mahal n'ya ako. Sabi n'ya sa akin." nanginginig na sabi ko. "Hindi. Hindi, naawa lang sila sa'yo." umiling ililing ako. Unti unti na nang hihina ang katawan ko pero nilalabanan ko. Ayoko matulog dahil mananaginip lang ako, ayoko. Ayoko makita si Tita Cheena. Ayoko na! "Wala na nag mamahal sa'yo, Diana. Nababaliw ka na!" "Hindi! Manahimik kayo!" siga

