"Dress? Check. Sandals? Check. Light make-up? Check." Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Ilang segundo pa bago ako tuluyang napabuntong-hininga. Naglakad ako pabalik sa kama at pabagsak na humiga. "What am I doing?" I mumbled to myself as a long sigh escaped my lips. Pumunta ako sa cr at binura ang light make-up na nilagay ko sa mukha ko. Hinubad ko rin ang bistidang suot ko at nagpalit ng black printed t-shirt at saka jeans. Hindi ko na hinubad ang sandals at hinayaan na lang. Tutal ay flat lang naman 'yon at walang heels. I just couldn't believe myself for doing that stupid thing. Ngayon ang meet up namin ni Quentil sa café na pinag-usapan namin. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil dito. Ang tagal na rin kasi mula no'ng lumabas kami na kaming dalawa l

