"Wow... it's really big..." Nakanganga kong sabi habang pinagmamasdan ang bagong bahay na titirhan ko kasama si Quentil. Hindi siya kasing-laki ng bahay namin. Siguro ay kalahati lang. Pero malaki pa rin iyon! Kaming dalawa lang naman kasi ang titira dito kaya hindi talaga kailangan na mag-effort para sa ganito kaganda at kalaking bahay. Wala akong alam na may plano sila. I mean, no'ng nakaraan lang in-announce na ikakasal kami. Halos tatlong buwan lang ang nakalipas no'n at ngayon... may sarili na kaming bahay. Tiyak na planado na 'to simula pa lang. Well, ramdam ko naman iyon. High school pa lang kami ay pinaparamdam na lagi sa'min ng parents namin na ganito ang kahihinatnan ng relationship ko kay Quentil. Hindi ko lang pinapansin noon dahil bata pa kami masyado at pwede pang mai

