"Plan?" Nalilitong tanong niya. Sabay kaming tumango ni Ril. "Yes, plan. You need that to confess your feelings." "Huh? Para saan naman?" Nanliit ang mata ko rito hanggang sa napabuntong-hininga na lang. Wala ba siyang alam sa pagco-confess ng feelings? Well, I guess ito ang magiging una niya kaya ganito. "Kailangan natin ng plan para maging mas maayos at sigurado 'yong pupuntahan ng pagconfess mo," I said. "Heh... what do you mean? Tingin mo mare-reject ako?" Inis na sabi nito at umismid. "Just a possibility," si Ril na ang sumagot at tumango lang ako. "Well, fine." Nagsimula kami sa pag-uusap ng mga gagawin niya para sa pagconfess ng feelings niya kay Daphne. Nakikisali rin ako sa kanila at nagbibigay ng ideas dahil babae rin naman ako. Medyo malayo nga lang ang description

