"Do you like the taste?" I asked him as I furrowed my forehead. "Y-Yeah... it melts in my tongue..." Tila batang namamanghang sabi niya. Nawala ang kunot ng noo ko at napalitan nang malaking ngiti sa labi. "It's sweet, right?" Turo ko sa chocolate ice cream niya. He nodded. "Yes. How about that cheese flavor? Is it also delicious?" Bubuka pa lang ang bibig ko para sumagot ay yumuko na siya at dinilaan ang ice cream ko. Sa gulat ko ay nanginig ng bahagya ang kamay ko, dahilan para maalog ang pagkakahawak ko. Napanatag na lang ang loob ko nang hawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "Wait, 'wag ka malikot." Mahinang anito at dinilaan ulit ang ice cream na hawak ko habang hawak pa rin ang kamay ko. "U-Uh... masarap ba?" Inangat niya ang tingin sa'kin. "Ang alin?" Sinamaan k

