Walang buhay na mga mata, matamlay at payat na pangangatawan, idagdag mo pa ang ilang hibla ng buhok na namumuti na, iyan ang mga kapansin-pansing pagbabago kay Quentil. Sa unang tingin, hindi mo agad makilala na siya iyon. Kailangan mo pang tumitig ng ilang minuto para lang mapatunayan sa sarili mo na siya pa rin si Quentil. Nawala na 'yong mga mapang-asar niyang salita at sweet na mga galaw... naglaho na 'yon. "Quen..." Bago pa man ako makahakbang sa kinatatayuan ko ay hinawakan na ni Ate Taime ang braso ko nang mahigpit. "Don't approach him," seryosong sabi nito at umiling. Tila gumuho ang mundo ko sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko pwedeng lapitan o kamustahin si Quentil? Hanggang tingin lang ako rito? "Ate... please..." Umiwas siya ng tingin at bumuntong-hininga. "Kamag-anak d

