Tunog nang tunog ang cellphone ko kasabay ng pagba-vibrate nito pero nanatili lang ako na nakahiga sa kama at nakadukdok ang ulo sa unan. I didn't have the strength to stand up to answer the call. Isa pa, tiyak na si Quentil lang ang tumatawag para kulitin na naman ako. He must've notice na iniiwasan ko siya. Matagal ko na siyang iniiwasan pero mas malala ngayon. Lumipat ako ng upuan sa classroom at talagang ina-avoid ko siya. Hindi ko hinahayaan na makalapit siya sa'kin. Kapag tingin ko na kakausapin niya ako, kinukuha ko agad ang earphones at cellphone ko. But this was a pain in the ass... I was already tired of hearing this ringtone again and again. Kinapa ko sa mesa na katabi ng kama ang cellphone ko at saka pinower off. In that case, hindi na siya makakatawag sa'kin. Mam

