"Hmm..." Minulat ko ang mata ko nang maramdaman ang uhaw. Uh, no... hindi lang basta uhaw. Gusto ko ng gatas. Kahit na ilang taon pa ang dumagdag sa edad ko, hindi na yata magbabago ang pagkahilig ko na 'to sa gatas. Kinusot ko ang mata ko at nilibot ang paningin. Where was I again? Medyo inaantok pa ako. Ang dilim ng paligid at tanging 'yong lamp lang ang bukas sa isang gilid. "Baby..." "S-Shit..." Mahinang mura ko at nanlaki ang mata nang may maramdamang yumakap sa'kin nang mahigpit. No'ng tingnan ko itong maigi, kagat na lang sa labi ang nagawa ko. Katabi ko si Quentil?! Panaginip ba ito? Gumalaw ang kamay niya sa katawan ko. Hindi sinasadyang mahaplos niya ang dibdib ko, dahilan para makagawa ako ng kakaibang ingay. Damn... Ngayon ko lang naalala na nasa kwarto niya

