SAGE
"That's not it. Pakiramdam ko lang. . . pakiramdam ko lang, nagkita na tayo noon. Pakiramdam ko, nakilala na kita dati."
Riel's words kept playing inside my head.
Sabi niya, nararamdaman niya raw na parang kilala niya talaga ako. Well he is right but he is also wrong.
Ralph clearly said that he lost his memories and he did not tell me that it may come back. Maybe that's something he chose not to tell me about or that's just something that wouldn't happen.
"Sage, bakit ka tulala, ha?"
Napapitlag ako sa biglang pagsasalita ni Leo sa likod ko. Tapos na siyang maghugas ng pinggan at katatapos niya lang din na i-mop ang sahig naming kulang na lang ay kuminang ngayon.
Another thing commendable about Leo is his never-ending energy. Ano kaya ang workout routine niya? O ano kaya ang gatas niya noong bata siya. His energy levels is always at maximum and I seriously aspire to be like him.
"Wala," sagot ko at sinamahan pa ng iling para makumbinsi ko siya.
Ngumisi si Leo at marahan akong sinundot ng daliri sa sikmura, nang-aasar. "Teka may naalala ako. Akala mo ba hindi ko nakita 'yong singkit na kausap mo kanina, ha? Inaya ka pa ngang umupo! Grabe, iba ka na—"
"Sinong singkit?!" biglaang tanong ko. I sounded so defensive.
"Hala, sinong singkit daw," natatawang sagot ni Leo at tinuro ang mesa kung saan pumuwesto si Riel kanina. "Doon oh, sa mesa na 'yon. Kitang-kita ko 'yon, ha! Anong nangyari ro'n?"
"Wala nga, ano ka ba Leo!" Ramdam kong namumula na ang pisngi ko sa pang-aasar ni Leo.
Tinawanan niya lang ako at tinuro ang magkabila kong pisngi. "Hah! Huli ka! Namumula ka na nga oh! Ano, magpapakasal ka na ba—"
"What the hell? Anong magpapakasal?!" Agad akong napahawak sa rubber spatula na nasa tapat ko kaya agad na napasalag si Leo kahit hindi ko naman ito ipapalo sa kaniya. Hindi pa.
"Joke lang, joke lang! Ito naman, 'di ka na mabiro!" Napailing-iling si Leo. "Basta ha, 'pag kinasal na kayo, isama niyo ako! Abutan mo lang ako ng invitation and I will be there!"
Tuluyan ko nang dinampot ang spatula at bago ko pa man maabot ang manggas ng damit ni Leo, nakatakbo na siya papasok ng storage room na agad niyang sinara.
Ang lokong 'yon.
I stretched my arms and back a little. Kanina pa ako nagtatrabaho na nangalay na ang mga ito. Today is Saturday and after my duty here, I can just lay on my bed at home and wait 'til the sun rises beautifully so I can visit my treehouse again.
♡ ⋆。˚
"Saan ang lakad mo?"
Iyan ang bungad sa akin ni Mama nang bumaba ako sa kuwarto, bitbit ang isang malaking bag at water jug.
Para akong elementary student na ngayon lang dadalo ng girl scout camping. Sobrang daming bitbit kahit isang gabi at umaga lang naman iyon at sa classroom pa gaganapin.
Ngumiti ako at naglakad diretso papunta sa mesa kung saan nakahain ang agahan namin. "Sa treehouse, Ma. I'll put some of my stuff there para may magawa ako 'pag nando'n po ako."
"Sa treehouse?" tanong ni Mama at nilagay sa mesa ang isang plato ng sliced bread at pork chops. "Mag-isa ka? Hindi ba delikado 'yan, Sage?"
"Bakit naman po?"
"Gubat 'yon, Sage," sabi ni Mama. Naging seryoso ang tono niya.
Natawa ako at kumuha na ng plato 'tsaka sinalinan iyon ng garlic fried rice at pork chop. "I know that place, Ma. Naglalaro na ako roon since I was, what, 8? 9?"
"Dati 'yon," agad niyang sagot. "Kahit malaki ka na, puwede ka pa ring mapahamak. Wala ka bang kasama roon?"
"Wala po, e," sagot ko at humiwa na ng pork chop saka kinagat ito. "Pero seryoso ako, Ma, I'll be fine. Promise."
Napapitik na lang ng dila si Mama at nagsimula na ring kumain. "Tingnan mo 'tong babae na 'to. Ayaw bumukod ng bahay at mag-rent ng apartment pero kulang na lang ay manirahan na sa gubat."
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Mama. Naalala ko noong sinabi niya na subukan kong mamuhay mag-isa kahit isang taon lang para maranasan ko raw ang hirap.
I'm not sure if that's a sign that she's absolutely sick of my existence already or something. Noong tinanong niya ako kung gusto ko nang bumukod, napaisip ako kaagad kung pinapalayas niya na ba ako.
But, oh well. Whatever it is, I'm not moving out yet. I'll stick with my mother and just help her pay our bills here. Totoong gusto ko ring mamuhay nang mag-isa but having her around me is a treasure I don't want to let go.
Besides, it's just the two of us here.
"Mahalaga naman po kasi sa akin ang lugar na 'yon, Ma."
"S'yempre. Kasama mong bumuo no'n si. . ."
Ngumiti ako. Parang tinatantsa niya kung masasaktan ako o may ibang reaksiyon. "Si Riel, Ma."
"Narinig ko kahapon na nakabalik na sila," naging seryoso na naman ang tono niya. Tiningnan niya ako diretso sa mga mata.
Tumango ako at muling ngumuya ng malasang pork chop. Iba talaga ang luto ni Mama. "Opo, Ma."
"Nagkita na kayo?"
"Opo."
Then there was silence. Natahimik kaming dalawa at tanging tunog lang ng mga kutsara at tinidor na tumatama sa babasaging plato ang naririnig.
"Narinig ko rin na nawalan siya ng memorya. . ." pambabasag ni Mama sa katahimikan.
"Opo, alam ko na rin po," sagot ko at humigop ng mainit na kape. I looked at her and she looks concerned.
"Ayos ka lang ba?"
"Of course, Mama." Tumayo ako at nginitian uli ang nag-aalala kong Mama. "Don't worry, Ma. I'm fine. Totoong-totoo."
Binitbit ko na ang aking bag at jug kaya kumunot ang noo ni Mama. "Sage, damihan mo pa ang kain mo! Aalis ka na ba agad?"
"Yes, mother!" I shouted. "Tirhan niyo na lang po ako! Hapon po ako uuwi! Love you, Ma! Bye!"
"Ang batang 'to. . . mag-ingat ka, ha!"
♡ ⋆。˚
Naging mabilis lang ang pagpunta sa gubat dahil hindi maputik at talagang ganado akong maglakad. Ang linggong ito ay nakakapagod kaya desidido na akong magkaroon ng me time sa treehouse.
Hindi rin naman mabigat ang laman ng bag ko, sadyang marami lang talaga. May ilang book dito, hygiene kit siyempre, snacks, isang kumot at unan, flashlight, batteries at ilang pares ng damit.
Parang survival kit, 'di ba? If a zombie outbreak happens, I am confident that I'll be safe bacause I have food and water.
Pero napagtanto ko, hindi pala ako safe. 'Di man ako ang typical engot sa zombie movies, mamamatay pa rin ako dahil ayokong nabibitin sa pagkain.
Dire-diretso ang punta ko sa acacia tree. Iniwan ko muna sa baba ang water jug at inakyat ang puno, suot ang malaking bag.
Pagkarating ko sa pinto ng treehouse, tinulak ko ito nang bahagya at halos mahulog ako nang makitang may tao sa loob.
Agad akong hinawakan ni Riel nang makitang dumulas sa hawakang kahoy ang isa kong kamay dahil sa gulat.
"Are you okay?" Riel asked, looking at me worriedly. Hinila niya ako at pinilit ko rin ang sarili ko na makapasok sa loob.
Anong ginagawa niya rito? Who gave him permission?!
"Why are you here?!" I exclaimed. Napaatras ako mula sa kaniya.
Riel frowned. "Don't move away like I carry some kind of deadly disease."
"Why are you here?" pag-uulit ko, mas kalmado na nang kaunti.
"Gusto ko ring mag-chill," sagot niya, nilibot ang mga mata sa loob ng munti kong treehouse. "It's cozy in here. Maganda."
"K-kanina ka pa ba rito?"
Tumingin siya sa orasan na nasa pulso niya. "Yeah? I got here at six and it's eight thirty so. . . yeah. I brought snacks, by the way. May protein bars ako."
"Sinong nagsabi sa 'yo na p'wede kang pumasok dito?"
"I did not know that you will arrive today, okay," depensa niya. "Aalis na rin ako kaso dumating ka."
"So it's my fault now?"
"No, I'm not blaming you," Riel laughed, showing his white teeth.
Nabalot kami ng saglit na katahimikan. Well, he can go here whenever he wants to but I just don't want him to be here right now! Today is my me time. Me time! Akin lang at ayaw ko ng kaagaw.
Ito na ba 'yong sinasabi ni Mama na kapahamakan sa gubat? Some unwanted visitor entering the treehouse without any permission or notice?
"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Riel at ini-stretch pa ang mga braso niya.
"Natin? Akala ko ba aalis ka na?"
"Dumating ka na, e," he answered. "I want to experience a day in this treehouse."
"What? No! Go away!"
"One thing I don't understand is the way you treat me. I don't understand the hostility, seriously," seryosong sabi niya at tumingin sa akin.
"I need to rest, alright. This week has been so stressful and I need time for myself. So if you will. . ."
"Can't you find time for yourself when I'm here?" he answered. "Just don't mind me. Mago-observe lang ako sa 'yo. Besides, I'm not familiar with your game. Hindi ako manggugulo."
Natawa ako sa sinabi niyang oobserbahan niya ako. Ano ako, lab rat? Isang robot prototype? Bagong diskubreng bacterium?
"Sorry, bawal talaga—"
Riel squinted his eyes. "Sage, why do you hate me so much? Did I do something wrong? As far as I could remember, it's only our third time meeting each other."
Hindi ako nakasagot muli at napaiwas ako ng tingin. Nakakainis naman. Paano ang me time kung may ibang tao rito?
"Come on, stop trying to shove me away because I won't get out of here. Not now, okay. Let's start this day together."