Ang puntod ni Cielo ang unang pinuntahan ni Sheena bago siya tuluyang nagpakalayu-layo. Nagbuntong-hininga siya habang nakatitig sa lapida ng kaniyang kapatid. "Sa wakas, mapapalaya ko na rin ang sarili ko, Ate," wika niya. "Limang taon din akong nagdusa dahil inisip kong kaya ka nagpakamatay nang dahil sa akin. Sana nagsabi ka man lang sa akin. Bakit mo naman itinago sa akin ang lahat? Hindi mo naman kailangang dalhin nang mag-isa ang lahat. Hindi sana umabot sa ganito. Sana buhay ka pa. Sana buhay pa ang pamangkin ko." Natutunan kong mahalin si Andrew, Ate. Ngayon, alam ko na kung bakit nabaliw ka nang dahil sa kaniya. Maski naman ako, pakiramdam ko kapag nagtagal pa ako roon, hindi malayong mabaliw rin ako. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko. Muntik ko nang sirain ang buhay niya. Kung

