“Bakit mo ako pinatawag?”
Napalingon ako kay Sixto na kararating lang at mukhang kakagising lang kaya nakasando pa, sa suot niya ngayon kitang kita yung magandang hubog ng katawan niya. Mataas ang sikat ng araw at para siyang nakinang kasi tinatamaan siya ng sinag ng araw at sa unang pagkakataon ngayon ko lang na-appreciate yung ganda ng panga niya ang lakas makalalaki.
“Miss Alicia?”
I cleared my throat. I was distracted by his looks for a second.
“What are you wearing?”
Sinuklay niya ang magulo niyang buhok gamit ang kanyang kamay.
“Pambahay??”, kahit siya ay napatingin sa suot niya. Lumapit ako sa kanya.
“Change now because we will be having a sword fight”, pinatalikod ko siya at pinagtulakan paalis.
“Swordfight? all of a sudden?”, humarap siya saakin at nagcrossed arms ako.
“Well, I haven’t received a go signal from Clive yet, so I have nothing to do here”, muli ko siyang tinulak papasok ng mansion at wala naman siyang nagawa kung hindi sumunod saakin.
Ilang sandali lang ay bumalik na si Sixto at sa pagkakataong ito mas mukha na siyang disente. Inabot ko sa kanya ang sword niya.
“Be ready to lose”
Parehas kaming pumwesto at nagsimula na ang laban. Sa lahat ng nakalaban ko sa sword fight kasama si Sixto sa top 5 na magagaling. It’s like he mastered all the techniques but there’s one thing he still doesn’t know the Alicia technique.
“Oh, come on”
Kahit natalo ko si Sixto ay hindi ako masaya kasi alam ko na hindi niya ganoon binigay ang best niya sa laban na ito.
“What?”, inosente niya akong tinignan.
“We’re not kids anymore, so fight me like the fight we had in front of our parents”
Sa tuwing maglalaban kami ni Sixto sa kahit anong aspeto lagi niya akong pinapanalo noong mga bata kami, pero nagkaroon kami ng isang seryosong laban yun ay noong nanonood parehas ang magulang namin. Sobrang nagulat ako sa naging performance ni
Sixto sobrang seryoso siya at parang hindi siya yung Sixto na nakilala ko. Ginawa ko rin naman yung best ko pero natalo niya ako.
Pagkatapos ng laban namin agad siyang nagsorry saakin, hindi man niya sabihin ang dahilan pero halatang may ginawa na naman ang tatay niya para magkaganoon siya. Doon ko napagtanto na magaling talaga siya. I didn’t get mad because I lost but my mom scolded me after and she trained me harder.
“Do you still want me to continue?”, tanong ni Sixto habang ang dulo ng sword niya at nasa leeg ko at ako ay nakaupo sa damuhan. Sinamaan ko siya ng tingin at iwinaksi ang sword niya. Hindi ako makapaniwala na natalo ako kulang na ata ako sa practice. Nilahad ni Sixto ang kamay niya para tulungan ako pero hindi ko iyon inabot at tumayo mag-isa.
“Let’s have another round”, determinado kong sabi. Hindi ako sanay na matalo dahil ayokong natatalo. Pumayag din naman si Sixto, kaya sa second round ako ang nanalo. Nagpatuloy pa kami hanggang pangatlong round at nang malapit na akong Manalo ay biglang sumingit si Juliana.
“Lady Anna is here”
Kunot noo akong napalingon sa sinabi niya. Inabot ko kay Juliana ang sword ko at bagong tuluyang umalis ay muli akong lumingon kay Sixto.
“We’re not yet done”, magalang naman siyang tumango saka ako pumasok sa loob ng mansion. Pagkapasok ko ay nadatnan ko ang aking lola na nag uumagahan sa hapagkainan habang nagbabasa ng dyaryo.
“You don’t do breakfast”, sabi ko at yumuko bilang paggalang. Binaba naman niya ang dyaryo na binabasa niya at tumingin saakin.
“Even though we’re vampires, doesn’t mean we can’t have breakfast, right? Besides, I will have breakfast whenever I want to”
The thing here in the Realm, we somehow live like normal people, we eat, sleep and work.
Napailing na lang ako at aalis na sana nang magsalita siya ulit.
“Where are you going?”
I sigh as I turn to her. “Upstairs”
Gusto ko sana sabihin, “sa lugar kung saan malayo sa kanya” pero baka bigla niya ako masampal.
“Why don’t you sit here with me?”, nakangiti niyang sabi. If I didn’t know her, I might fall into her trap. That smile means something. Annoying me, won’t make me take that representative position.
“I’m sorry but I don’t do breakfast”
Thanks to her I just lost my appetite.
“Well then, I also came here to inform you that your Aunt Grace’s kids will be staying here…… for a while”
Hindi ko maiwasang mapakunot noo sa sinabi niya.
“Don’t they have a house here”
Sa pagkakaalala ko lahat ng founding families ay may kanya kanyang bahay.
“Oh, yes of course you don’t know because you were away. Your Aunt Grace was banished because of the disgrace she brought to our family. So, her house here was…terminated? And her kids were sent to Spain to be trained to be away from their wicked mother are now coming home”
Kung magsalita siya parang hindi niya kapatid yung pinag-uusapan namin.
“Why here?”
Madami kaming kamag anak na pwede nila tirahan. Hindi naman sa ayaw ko, pero ayoko talaga. Ayoko ng maraming tao dito sa bahay na ito lalo na kung kamag-anak namin.
“Dahil ang bahay na ito ay para sa mga anak ng lolo mo at anak ng anak nila. Ako lang ang may pinaka-authority ngayon dahil patay na ang dalawang nakakatanda kong kapatid at wala silang anak so ako na ang successor ng bahay. Huwag ka mag-alala, dalawa lang sila, namatay yung isa, tapos nagpakalayo layo yung isa at sumama sa nanay niya yung isa. I was able to save only those two poor kids.”
Hiniwa niya yung pancake sa plato niya at kumain tapos ay dahan dahan niyang pinunasan ang gilid ng bibig niya.
“I believe, they have already transitioned into vampires now, it’s been 15 years, and the last time I saw them they were like 10 years old. I hope they have good use to me”
Sabi niya habang hinihiwa ulit ang pancake. Napairap nalang ako pagkaalis ko, yun na lang lagi ang tingin niya saamin. Mahalaga ka kapag may pakinabang siya sayo, tapos sasabihin niya “I’m all doing this to keep this family”. I don’t exactly understand how this family works, or is this even a family to begin with because I feel like we’re all just acquaintances that are disposable.
Umakyat na ako sa taas para maligo at magbihis. Pagdaan ko sa garden ay nadatnan ko ulit si Lady Anna na nakikipag usap sa mga katulong namin.
“You’re still here”, medyo gulat ako nang makita siya kasi hindi naman nagtatagal si Lady Diana dito dahil marami siyang trabaho sa Palace, doon na nga siya nakatira dahil may sarili siyang chamber doon.
“Why is there something wrong with me staying at my mansion?”, pinitas niya yung bulaklak at humarap saakin.
“Not at all… I’ll leave now”
Nasalubong ko naman si Sixto paglabas ko.
“Where are you going?”
Nilabas ko ang susi ng kotse at pinindot ito.
“Lilibot lang ako sa town, you don’t have to come with me”
Sumakay ako sa loob ng kotse at nagmaneho na paalis. I smirk as I leave the castle. I should enjoy this day before I get dispatch for a mission. Pinark ko yung kotse ko sa gilid at pumasok sa isang boutique. Ilang boutique din ang nabisita ko at bumili ako ng mga bagay na hindi ko naman kailangan pero gusto ko lang bilhin.
Pagkatapos ko mamili ay nagtungo ako sa isang bahay. Tinigil ko ang sasakyan ko at kinuha yung ilang bagay na pinamili ko. Kumatok ako sa pinto at ilang sandali lang ay bumukas ito at bumungad saakin ang isang dalagang babae.
“I’m here for Esme”
Napansin ng babae yung badge ko kaya pinapasok niya ako. Unang hakbang ko palang ay narinig ko na ang tunog ng piano at kilala ko na agad kung sino ang nagpapatugtog kaya bago pa magsalita ang babae ay mabilis na akong umakyat sa taas. Habang sinusundan ang musika ay dinala ako ng paa ko sa dulong kwarto na nakabukas ng onti ang pinto. Binuksan ko ang pinto at napasandal sa gilid habang pinapakinggang siyang tumugtog. This song makes me remember so many things in the past. Ito rin yung unang tinutgtog ko sa harap ng nanay ko at siya ang nagturo saakin. Napatigil siya sa pagtugtog at lumingon saakin.
“Nanay Esme”, nakangiti kong bati sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat.
Nanay Esme looked quite old, she’s like in her 50 but she’s a vampire so probably she a 100-year-old now. Nakilala kasi siya ng nanay ko ng lumabas ito ng Realm, siguro nasa 50 years old siya noon at niligtas siya ng nanay ko tapos ginawa siyang vampire. Simula noon siya na ang nag-alaga sa nanay ko at saakin. Kahit na vampire siya, para parin siyang normal na tao, inalagaan niya kami na parang tunay na mga anak niya kaso nagkahiwalay kami ng mamatay ang nanay ko at kinulong ako sa tower. She’s the warmest vampire I know.
“Alice?”, hindi niya makapaniwalang sabi. I can’t believe she still calls me that. I used to tell her to call me Alice as a gift because she was so nice to me, sabi ko maswerte siya kasi dalawa lang sila ni Clive ang nakakatawag saakin nun. I was young at that time and I didn’t expect that she’ll take it seriously.
“The one and only”
She stood up and immediately hugged me at nabitawan ko yung mga madala ko sa higpit ng yakap niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap at masayang humarap saakin.
“Ikaw ba talaga ito Alice?”, she caressed my face. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito.
“Opo, Nanay Esme”
Nang medyo naniniwala na si Nanay Esme ay inanyayahan niya akong umupo at bumaba siya saglit para maghanda raw ng maiinom kahit sinabi ko nang wag mag abala. Habang naghihintay ay nilibot ko yung buong kwarto na ang tanging gamit lang ay piano at upuan. Lumapit ako sa may piano at dinampi ang mga daliri ko sa keyboard nito, napatigil ako nang mapansin na may nakalagay na maliit na frame sa ibabaw. Kinuha ko ito at tinignan pero napatigil ako nang makita na picture naming itong tatlo kasama ang aking ina, batang bata pa ako dito. Ito yung unang pasko namin sa labas ng Realm, wala kasi noon ang aking ama.
“Naalala mo ba yan?”
Pumasok si Nanay Esme may dala dalang dalawang baso at nilapag niya ito sa may lamesa.
“Oo naman po”
Paano ko ito makaklimutan, ito yung unang beses na nakita kong ngumiti ng maraming beses yung nanay ko na para bang sa wakas nakahinga na siya ng maluwag. Masaya kami noong panahon na ito, kasi para kaming mga normal na tao na nagdidiwang ng pasko.
Nilapag ko yung picture frame at umupo sa tabi niya.
“Ano ba yang mga dala mo at parang ang dami”, tinignan niya yung mga paper bag na nasa lapag.
“Para sainyo po yan”
Hindi ko alam kung ano ang magugustuhan ni Nanay Esme baka kasi after 23 years na magkalayo kami nag iba na rin yung mga bagay na gusto niya kaya binili ko na lang lahat ng maganda sa paningin ko.
“Nag-abala ka pa”
Feeling ko nga kulang pa itong mga pinamili ko para mapunan yung mga taong nawala ako. Parang hindi naman niya kailangan ang mga ito kasi hindi niya siya materialistic na tao pero ganoon pa man hindi ko kayang pumunta dito na walan man lang na ibibigay sa kanya pagkatapos kong lumayo ng ilang taon.
“I’m sorry po”
Napaangat siya ng tingin sa sinabi ko. Nagi-guilty ako, kasi ako ang dahilan kung bakit siya nakatira ngayon dito. Noong mga unang taon ko sa labas ng Realm ay pilit akong pinapauwi ni Lady Anna pero ayoko kaya ang kabayaran nun ay ang pagpapaalis kay Nanay Esme sa castle.
“Kasalanan ko po kung bakit kayo napaalis sa castle at napabayaan ko rin po kayo”
Ngumiti saakin si Nanay Esme at hinawakan niya ang mga kamay ko.
“Alice, wala kang kasalanan. naiintindihan ko na kinailangan mong umalis pagkatapos ng mga nangyari sayo at hindi mo ako pinabayaan hindi ba’t ikaw ang nagpahanap ng bahay na ito kay Sixto”
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko akalaing ilalaglag ako ng Alexander Sixto na iyon, hindi ba malinaw sa kanya ang bilin ko na wag iyon sasabihin kay Nanay Esme?
“Alam ko yang tingin na yan, wag mong pagalitan si Sixto. Kahit hindi niya sabihin alam ko”
Agad namang nagbago ang expression ko.
“Dapat ho, umalis nalang kayo ng Realm, so you could at least have a normal life with normal people”
Noong nalaman ko ang plano ni Lady Anna dahil sinabi niya yun sa sulat niya saakin, agad kong sinabihan si Sixto well the good thing about him kahit hindi ko siya sabihan sinamahan at inalalayan niya si Nanay Esme sa pag-alis nito sa Realm kasi kahit papaano inalagaan din siya nito. I also told Sixto to convinced Nanay Esme to leave the Realm but she refused. Hindi ko naman siya maharap o makausap noong mga oras na iyon kasi nahihiya ako dahil alam kong kasalanan ko kung bakit siya napalayas at nasa ibang bansa rin ako noong panahon na yun.
“Hindi ako pwedeng umalis kasi alam kong dito lang kita pwedeng makita ulit”
For a moment I was touched especially while seeing those sincere eyes.
“at alam mong wala na akong buhay na babalikan sa labas ng Realm, ito na ang buhay ko, kaya masayang masaya akong makita ka ulit Alice.”
Matamis ko siyang nginitian habang nakatingin sa mga mata niya.
----