“Seryoso ka ba na gusto mo akong maging godmother niyan?” tanong ko kay Clarita na bitbit ang kanyang sanggol. “Oo nga. Sayo ko ipagkakatiwala ang anak ko kapag nawala na ako. Huwag mo siyang pababayaan ha” Umatras naman ako at shinake ko yung dalawang kamay ko. “Ayoko nga, nakakalimutan mo bang isa akong vampire?!!” Nanganak lang si Clarita parang nahibang na rin siya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya saakin at parang hindi niya naman ako kilala, saakin niya pa talaga ipagkakatiwala ang anak niya. “Alicia, diba sabi mo may utang na loob ka saakin?” “Pero sabi mo dahil magkaibigan tayo.. sort of… okay na yun” May isang beses kasing niligtas ako ni Clarita kaya naging magkaibigan kami hanggang sa nagkaroon ng matinding earthquake sa Baguio, ang daming bahay at ari ariang nasira, mara

