"Congratulations" Sinara ko yung newspaper na binabasa ko at tumingin kay Sixto na naglapag ng kape at pancake sa harap ko at tapat niya. "That’s not surprising, alam ko naman kasing papasa ako.” sagot ko naman at uminom ng kape. Ngayon kasi nilabas ang listahan ng mga nakapasa sa assessment at ang magpapatuloy sa competition para maging representative ng kani-kanilang pamilya. Bukod saakin nakapasa rin ang aking step sister, bale tatlo kaming maglalaban laban para maging representative ng mga Blaunche. Dumating naman si Juliana dala ang tablet niya. “So, what’s my schedule for today?”, masigla kong tanong dahil maganda ang mood ko ngayon. “May party po mamaya sa Blaunche’s Villa to celebrate yung mga nakapasok na candidate ng Blaunche family—” “And you’ll be coming with me” bigla

