“Remove the barrier”,saad ko ng makalapit si KC at yung kasama niyang taga SSU na isa palang witch. Pumwesto kaming apat na natitira sa gitna habang nagsasagawa ng incantation yung kasama ni KC. Ilang sandali lang ay dinilat na niya ang mga mata niya at sumenyas na maari na kaming makalabas. Habang pinapatanggal namin yung lubid na nakatali sa mga kamay namin doon sa witch ay isa isa namang tinignan ni KC yung mga kasamahan naming nakabulagta sa sahig. Pagkatapos maalis ang mga tali namin sa kamay gamit ang spell ay tinignan din nung witch yung mga kasamahan naming royal. Lahat kami ay naghihintay lang matapos ang assessment niya dahil hindi rin kami sigurado kung ano na ba talaga ang lagay nila. Sa tingin ko patay na sila kasi ganyan yung itsura ng mga naging biktima nila sa mass murd

