Chapter 20: I Am Really In Love With Her (Day 16)
ELTHON JOHN TORRES
Nakakainip naman ang turo ni Madame tsk...
Napapanguso na lang ako dito habang pinapakinggan ang boring na turo ni madame tapos naramdaman ko namang may sumiko sakin kaya napalingon ako...
"What?" tanong ko kay Kenly
"Boring" aniya kaya natawa ako ng bahagya kasabay ng pag tango ko sa kanya hate ko talaga mag turo si madame...
Ang ganda-ganda nang subject ang pangit naman mag turo nong teacher tsk...
"Hayaan nyo na ganyan talaga pag buntis" sabat ni Noah kaya natawa naman kami...
***
"Hi babe" sabi nya sakin na Sinamaan ng tingin yung babae na palapit na sana sakin..
Selosa'ng bad girl...
"May balak ka na naman na mambabae ano?" tanong nya na nakapamiwang pa
"Wala Ahh" sagot ko at hinila naman nya ako...
Sya lang ang babae na nakakahila sakin nang ganito tsk..
Pero saan ba kami pupunta?
Hanggang ngayon pinagtitinginan parin kami..
Yung iba kasi hindi parin makapaniwala na ang Campus King and Campus Bad Girl ay mag jowa..
Lalo na ang ibang babae at binabae..
"Ikaw man libre total ikaw ang may atraso" aniya..
Ako? May atraso? Ano?
Wala na akong nagawa kundi mag order nang pag-kain na para sa aming dalawa...
***
Ring!!!!
Bigla naman akong napatingin kay Zandra na syang may ari ng phone na may tawag...
"Sino ito?" bossy na tanong nya sa nag tawag...
"Duh, tatanongin ba kita kung sino ito kung kilala ko yang boses mo?" mataray na tanong nya sa kung sino man ang kausap nya..
Tsk..kahit kailangan talaga ang sama ng ugali nya..
"Weeh?"
"Totoo? Ikaw talaga si Calix Domingo?" Tanong nya pero this time naka-ngiti na sya..
"Baka nag sisinungaling ka lang?" Tanong na naman nya
"Hahahaha I miss you too Cal" sabi nya na ang laki-laki nang ngiti..
Dahil naiinis na ako sa kanya para syang walang kasama umalis na ako na di man lang nag papaalam...
Tsk!
Bahala ka sa buhay mo....
***
"Nag seselos ka ano?" tanong ni Noah doon kasi sa pwesto nila ako lumipat
"Bakit naman ako mag seselos?" balik na tanong ko kasabay ng pag erap
"Sus pre, endenayal ka masyado ehh halata ka naman" ani Dexter
"Halatang ano?" Tanong ko
"Halatang gusto mo sya" sabay-sabay na sagot nila..
Ganon pala yun?
Pero naiinis lang naman ako Ahh..
Di naman ata ako nag seselos diba?
"Halata? Totoo? Pero hindi ko pa nga alam kung gusto ko sya ehh" sagot ko sa kanila
"Dude, we are your childhood friends kilala ka naming kung in love ka o hindi" ani Kenly
"Oo nga, pre, yung pag iwan mo pa lang sa kapatid ko doon halatang naiinis ka am i right?" tanong ni ZJ at tumango naman ako..
"Told yah, he's in love" ani Dexter pwe in love?
"In love? Ano yun? Nakakain ka ba yun?" Pabirong tanong ko at sabay-sabay naman nila akong sinapok kaya sinamaan ko sila ng tingin
"Bakit mo ako sinapok?" tanong ko kay Noah
"Trip ko lang" sagot nya tapos tumingin naman ako kay ZJ
"Gumaya lang ako" sagot nya
"Ikaw Ken?"
"Ehh masyado kang mapag deny ehh"
"Nasagot na nya yung dapat na isasagot ko" ani Dex tsk..
Mga bwesit...