RIN woke up in a familiar room. Pakiramdam niya ay napakagaan ng ulo niya at naging napakabigat naman ng katawan niya kaya nanatili lang siyang nakahiga. Hindi na maganda itong nangyayari sa kaniya. Lately ay nakaka-alala siya ng mga alaalang hindi niya mapagtagpi-tagpi. Some memories were only a blur and it will cause her to feel dizzy and have her head feels like hell. Hanggang kailan ba siya paparusahan ng mga alaaalang pilit na bumabangon? Wala naman siyang naging problema sa pag-iisip at memorya noong nakatira siya sa San Rafael kasama ang Nanang Marta niya. Everything is fine except the feeling of emptiness she felt inside. Pakiramdam niya ay may kulang. At nawawala ang damdaming iyon kapag kasama niya si Grego. Pero ang kapalit naman no’n ay ang muling pagbangon ng mga alaalang ma

