Warning: Rated SPG “AALIS KA na kaagad?” Nalungkot si Rin nang makitang nagsusuot ng sapatos si Grego. Mukhang may importante itong lalakarin. Ilang araw na simula nang pumayag ang Nanang Marta niya na doon muna matulog si Grego dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Delikado kasing bumyahe papuntang bayan kaya wala silang magawa kundi patulugin doon si Grego sa bahay nila. Mabuti na lang at naitabi ng Nanang Marta niya ang mga lumang damit ng yumao nitong asawa kaya may naisuot si Grego sa ilang araw na pananatili nito sa bahay nila. Ilang araw na rin ang nakalilipas at hindi pa rin nakakabisita sa kaniya si Cholo. Siguro ay busy ito sa trabaho nito sa lungsod at matatagalan pa bago makauwi. Pero hindi iyon ang inaalala niya. Iniisip niya kung paano sasabihin dito na sila na ni Grego… na

