NAKATULOG na si Grego habang yakap-yakap siya pero hindi maunawaan ni Rin kung bakit hindi siya makatulog. Hindi naman siya natatakot na baka mahuli siya ng Nanang Marta niya na nakasandal sa matitipunong dibdib ni Grego at yakap-yakap siya ng binata mula sa likuran habang ito nama'y nakasandal sa dingding at mahimbing na natutulog. Ang inaaalala niya lang ay ang pinag-usapan nila kanina. "May inutusan akong mag-imbestiga sa nangyaring aksidente sa'yo tatlong taon na ang nakalilipas. We found out the main reason why you're here and suffering. Makikilala mo rin siya. And I'll make sure that you're ready to face her when the time comes. Ayaw kong biglain ka at pwersahin ang utak mo na maalala ang lahat pero baka bumalik sa mga alaaala mo ang nangyaring aksidente sa'yo kapag nakita at nakaus

