Chapter Six

1005 Words
GREGO clenched his fists. Hindi siya makapag-focus sa trabaho. Halos buong araw ay si Rin ang laman ng isip niya. Halos hindi niya ma-imagine ang injury na tinamo nito lalo na’t mahaba ang peklat nito sa noo. What have they done to you, Baby? Kung wala lang siyang importanteng meeting ngayong araw ay baka kanina pa siya napasugod sa bahay niya para yakapin si Rin. He missed his wife so much. Hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ito at walang nagbago doon. He agreed to annul her before because he thought that it is the right thing to do. Simula nang mangyari ang isang aksidente three years ago, bigla na lang nanlamig sa kaniya si Pauline. The accident is questionable in a way. Ni isang galos ay walang tinamo si Pauline at napansin niyang kakaiba itong umasta at kumilos. Doon nag-umpisang magbago ang lahat. She became very different as the days go by. Palagi na silang nag-aaway at lagi itong umiiwas sa kaniya sa tuwing maglalambing siya. He cried countless times because of that. Pakiramdam niya ay napakawalang-kwenta niya para sa asawa. Pauline is everything to him. She’s his life. At hindi siya pwedeng mag-function kapag nawala ito sa kaniya. He did everything to save their marriage. Nang hingiin ni Pauline na ipangalan dito ang lahat ng mga properties niya ay pumayag siya. Nagpaka-tanga siya para sa pag-ibig. Nagbulag-bulagan siya sa katotohanang peke lang ang lahat. Na peke lang ang Pauline na kaharap niya noon. He knew it. He knew that there was something wrong about her. Naramdaman niyang may kakaiba pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Lalo na nang sabihin nitong gusto na nitong makipaghiwalay sa kaniya. He did everything. Nagmakaawa siyang huwag hiwalayan ni Pauline. Pero sa huli, nabigo siya. He ended up signing the annulment papers. Pauline threatened to kill herself kapag hindi niya pinirmahan ang mga annulment papers. Gumawa pa ito ng kwento na may mahal na itong iba at ayaw na nito sa kaniya. Isa siyang napakalaking tanga. Why did he allow an impostor to ruin his marriage with Pauline? Hindi malayong may kakambal si Pauline. At kung sino man iyon, magbabayad ito. She will pay for posing as Pauline and for hurting Pauline. Sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa kulungan. A knock from his door snapped him out of his reverie. Bumungad sa kaniya ang mukha ng sekretarya niya. “Mayor, tumawag po si Congressman ngayon-ngayon lang. Ipinapa-cancel niya po yung meeting niya sa inyo ngayong araw.” Kaagad siyang tumayo at kinuha ang attaché case at mabilis na lumabas ng opisina. He wanted to see Rin today. He needs proof na totoo ang mga hinala niya. Kung ito nga ang totoong Pauline na minahal niya at pinangakuan ng habangbuhay, paniguradong malalaman at malalaman niya iyon. Somewhere far away… Eve smiled. Sa wakas. Naasikaso na rin ang passport niya. Sooner or later, she’ll leave the Philippines. Ilang taon niya rin itong t-in-rabaho. Ngayon ay wala ng makakapigil sa kaniya. Sa wakas ay makakamit na rin niya ang karangyaan na ipinagkait sa kaniya. It is easy to manipulate everything lalo na kapag may pera ka. Kaya wala na siyang naging problema tungkol doon. She have tons of it now. At isa pa, nakasisiguro siyang patay na ang kakambal niya kaya wala ng makakapigil sa mga balak niyang gawin. Naikuyom niya ang kamao nang maalala ang pangalan ng babaeng umagaw ng lahat ng nararapat sa kaniya. In a blink, the glass pitcher on her table landed on the floor, scattering it’s remnants everywhere. Puno ng galit niyang tiningnan ang nabasag na kasangkapan sa sahig. “Dahil sa’yo! Dahil sa’yo kaya nangyari sa’kin ito. Inagaw mo sa akin ang buhay na dapat para sa akin. Mang-aagaw ka, Pauline! Mang-aagaw ka!” Hatred is all over her face. “Buti at patay ka na ngayon. Magsama kayo ng mga magulang natin diyan sa impyerno! Mga wala kayong kwenta!” Unti-unting pumatak ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata nito kanina. “Magsama kayong lahat sa impyerno.” MATAPOS nila maglaro ay nagpasya si Rin na bumaba na para maghapunan sila ng bata. Maghapon silang naglaro ng bata sa loob ng kwarto nito at masyado silang nag-enjoy kaya hindi na niya namalayan ang oras. Maliban doon ay nakipagkwentuhan pa siya sa mga kasambahay tungkol sa naging asawa ni Grego na si Pauline. “Totoo! Noong una kitang makita ay akala ko ikaw si Maam Pauline. Magkamukhang-magkamukha kasi talaga kayo. Kung hindi lang siguro sinabi ni Sir Grego na hindi ikaw si Maam ay baka sinugod ka na namin ng yakap noong unang dating mo dito,” Anang mayordoma sa kaniya. “Mahal na mahal kasi naming lahat si Maam. Wala kang makikitang kapintasan doon. Ni hindi niya kami inuutus-utusan lang dito sa bahay. Katulad mo rin siya. Mahilig siyang makisabay sa amin kumain.” Saad pa nito. Napangiti na lamang siya nang sumang-ayon sa mayordoma ang iba pang kasambahay na kasabayan nilang kumain. “Kaya hindi namin maintindihan kung bakit biglaan ang paghihiwalay nila ni Sir Grego. Mahal na mahal ni Sir si Maam, eh. Mahal na mahal din naman ni Maam si Sir dati. Ewan ko ba,” anang isang kasambahay na si Aling Mercy. “Halos araw-araw naman silang nagtatalik ni Sir doon sa itaas kaya imposibleng nagkulang si Sir.” “Uy!” Saway ng mayordoma sa kasamahan nito. Nagsitawanan ang mga kasambahay na kasama nila sa hapagkainan. Kaagad niyang tinakpan ang tenga ni Erin para hindi nito marinig ang pinag-uusapan nila. “Totoo naman ah! Ang ingay kaya ni Maam! Sarap na sarap eh! Kaya sigurado akong malaki ang ano ni Sir.” “Tumahimik ka Mercy! May kasama tayong bata dito. Dalaga si Rin at hindi niya dapat marinig iyang mga kabastusang lumalabas sa bibig mo.” “Totoo naman ah? Hindi ba minsan nahuli mo rin silang nagtatalik sa sofa?” Ayaw magpatalo ni Aling Mercy kay Aling Tess. Bigla siyang namula. Nahihiya siya sa mga pinagsasasabi ng mga ito at hindi niya maintindihan kung bakit. And then it hit her. Iyon naman pala eh. Mukhang maayos naman ang pagsasama ng dalawa pero bakit naghiwalay ang mga ito? Iwinaksi niya iyon sa isipan. Ayaw niyang mag-isip ng malalim. Isa iyon sa mga ayaw niya. Ayaw niyang nafu-frustrate, lalo na’t naiinis siya kapag nai-imagine na may kasiping si Grego.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD