Chapter 5

1380 Words
Alas onse ng gabi nung matapos ko ang mga gawain. Matapos ko kasing magluto ay nilinis ko pa ang attic sobrang dumi na, matagal-tagal na din kasi simula nung malinis ko yun. Hinayaan kong ibagsak ang katawan ko sa malambot na sofa, gustong-gusto ko ng matulog katabi ang anak ko pero kailangan ko pang pagbuksan si Kanvin ng pinto wala kasi syang susi ayaw nyang pinaghihintay sya sa labas. Isang beses ngang nakatulog ako dala na din sa saborang pagod iyak lang ni Ciro ang gumising sa akin takot na takot pa yun sya sa papa nya kasi nung time na yun ay grabe pa sya manakit. Sa galit nya ay sinampal at kinaladkad pa ako palabas at doon ako pinatulog iyak ng iyak non si Ciro simula non doon na sya nagalit ng husto sa papa nya. Napagdisesyonan ko nalang linisin ang sala kahit malinis na para di lang ako makatulog. Nasa kalagitnaan na ako ng may biglang marinig ko ang kotse ni Kanvin dali-dali kong binuksan ang pinto saka at nagtungo sa gate para pagbuksan sya ng gate ng makapasok na sya agad kong tinungo ang pinto at inintay sya. Nung lumabas sya akmang babatiin ko sya ay dali-dali lang itong tumakbo patungong passenger seat nagulat naman ako nung lumabas ang isang napakaganda at malaanghel na Babae. "Who is she? "Tanong niya habang nakatingin sa akin. Pati boses nya ang hinhin ang sarap pakinggan. "Nothing. Just my maid" sabi ng asawa ng di man lang nakatingin sa akin dahil nakatingin lang sya sa babae kitang-kita ko ang nakangiti nyang mga mata mula dito, ngayon ko lang sya nakitang ganon kasaya. "Magandang gabi po ma'am, sir kakain po ba kayo? " Tanong ko saka lang tumingin sa akin si Kanvin nandyan nanaman ang galit nyang mga mata at pinagbabantaan ako. "Hindi na kami kakain tapos na kami" sabi nung babaeng kasama nya sabay ngiti sakin. Di lang sya maganda ang bait nya pa. "Come on babe, let's go upstairs " nayayamot na sabi ni Kanvin na parang ayaw nyang nakikipag usap ako sa kasama nya. Agad ko namang niluwgan ang pagkakabukas ng pinto, nakita ko kung paano sya ingatan ni Kanvin kahit sa pag-akyat sa hagdan ay inaalalayan pa sya nito. Bago tuluyang bumagsak ang luha ko ay tumalikod na ako saka mabilis na naglakad papuntang kwarto namin ng anak ko pagkasara ng pinto ay doon na tuluyang bumagsak ang luhang pinipigilan ko.Hindi alam kung ilang minuto akong umiyak sa likod ng pinto bago nahiga sa tabi ng anak ko.Titigan ko lang mukha nya nawawala ang pagod, lungkot, at bigat ng pakiramdam ko sa tuwing tinititigan at niyayakap ko sya.Napangiti nalang ako ng tinangday nya binti nya saakin saka ako niyakan at isinubsob mukha nya sa leeg ko na animo ay inaamoy ako. Ganyan sya lagi di sya makatulog basta wala ako sa tabi nya. Napailing nalang ako lagi nya kasing sinasabing di na sya baby tapos di naman makatulog pag wala ako at kung magtantrums haynako mapapailing ka nalang. Kakatitig sa mukha ng anak ko ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. ----------------- 6:30 na ng magising ako nakita kong mahimbing pa din na natutulog si Ciro sa tabi ko hinalikan ko muna sya sa noo saka nagtungo sa banyo para maghilamos at magsipelyo pagkatapos ay nagtungo na sa kusina para magluto na may pasok pa pala si Ciro at Kanvin. Nagulat ako ng may mamataan akong may nagluluto sa kusina ng makalapit ako saka ko lang nakumpirma na yung kasama pala yun ni Kanvin kagabi. Nilibot ko paningin ko sa kusina at nakita kong andaming nagkalat na harina at mga basag na itlog, madami ding hugasin at nagkalat ang mga utensils. Napabuntong hininga nalang ako andami ko nanamang lilinisin. "Oh! You're already awake. Sorry huh king pinakialamanan ko ang kusina I just want to cook for Vin lang kasi. And sorry din king medyo makalat don't worry I'll help you nalang" nakangiting sabi nya. "Ay wag na po trabaho ko naman talaga yun. Tulungan na po kita" Sabi ko na agad nyang inilingan. "Okay if you say so. Thanks nalang kaya ko na to just clean this mess na lang okay? " Nakangiti pa ding sabi nya pero ewan ko ba kahit nakangiti sya sakin pero parang may iba akong nararamdaman sa mga ngiti. Ayy ewan. "By the way I'm Sheenaline Cruz di pa pala ako nakakapagpakilala sayo" Sabi niya sabay talikod. Ako lang ba o talagang nakita kong mapanuya na ang ngiti nya pilit kong iwinaksi ang nasaisip ko. Sinumulan ko ng linisin ang lamesa saka simulang hugasan ang mga ginamit nya, nasa kalagitnaan na ako ng pagsasabon ng may biglang sumigaw. "Nanay! Where's my towel?!" Dumagundong ang kanyang boses sa loob ng kabahayan. Agad akong namutla kung makita nya si Ciro paniguradong patay kami kay Kanvin mukhang wala pa kasing alam ang babaeng kasama nya. "Ah. Ma'am excuse me po" sabi ko at dali-daling nagpunas ng kamay. Napatigil ako ng makita ko si Kanvin na nasa may ikatlong palapag ng hangdan dali-dali syang naglakad papuntang pwesto ko at tinignan muna ang sa may likod ko bago nya haklitin ng marahas ang braso ko, muntik na akong mapasigaw dahil sa sakit. "Hide your son. Don't ever let her see him" madiing bulong nya sa tainga ko. Kahit wala syang sinabing pangalan alam ko kung sino tinutukoy nya. Marahas ng binitawan ang braso ko saka naglakad papuntang kusina. Ayaw nyang makita ng babae nya si Ciro dahil alam nyang malalaman agad ng babae nya na anak nya ito. Napangiti naman ako sa dahilan na iyon at least alam nyang anak nya talaga si Ciro. Ng nasa kwarto na ako ay agad kung nakita si Ciro na nagbibihis na ng kanyang uniform. Natawa ako ng makitang nakakunot nanaman ang kanyang noo siguro ay naiinis nanaman sya dahil di nya mabatunes ang polo nya. Manang-mana talaga sya sa ama nya pareho silang maikli ang pasensya at ayaw na ayaw na pinagaantay. Ganon din kasi ang ama nya pag hindi nya masuot necktie nya. Ang nakasimangot nyang mukha ay biglang nagliwanag ng makita ako "Nanay! Hay salamat I really hate this polo" nakanguso nyang sabi. Napangiti nalang ako at ako na ang nagayos ng polo nya. Kahit na seryoso masungit at parang matanda ng umasta pero malambing at maalalahanin sya minsan din ay sobrang kulit nya to the point na gustong-gusto ko na syang paluin naranasan ko ng mapalo ni nanay at talagang masakit ayaw kong maranasan nya yun. Kung maaari ay ayaw ko syang pagbuhatan ng kamay sya nalang ang meron ako di ko kakayanin kung dahil lang doon ay lalayo ang loob nya saakin. Agad akong lumapit sa kanya at binutunes Polo nya matapos nun ay tumayo na ako saka ko inayos buhok nya. Nakasimangot na inayos nya ulit buhok nya. "Nay bilis na nagugutom na po ako! " Nagmamadali nyang sabi habang nakaabang sa pinto at hinihintay ako. Nagsusuklay pa kasi ako saka ko lang na alala na may bisita pala sa labas. Pinalapit ko sya sakin na sinunod nya naman. "Anak may bisita daddy mo di tayo pwedeng sumabay ngayon sa pagkain at kailangan nating dumaan sa likod para di nya tayo makita" mahinahong paliwanag ko na ikinakunot ng noo nya. "Why? Is he with another woman again?" Nagulat ako sa tanong nya. So alam nya na pag di ko sya pinapalabas may babaeng inuwi ang daddy nya. "Don't hide it Nay. Alam kong may babae syang inuuwi pag di mo ko pinapalabas at ito nanaman inulit" Galit na sabi nya saka lumapit sa akin. "Nay di na po ako umaasang mamahalin at matatanggap nya tayo, hindi na ako umaasa na mabubuo tayo if he don't like me then be it, I don't like him either. Okay lang kahit tayong dalawa lang nay mas masaya akong tayong dalawa lang " Sabi nya pero alam kong nagsisinungaling sya kasi paghinahatid ko sya sa school nya nakikita ko ang lungkot at inggit sa mga mata nya pag nakikita nya mga kaklase nyang hinahatid ng daddy nila, pero sa halip na damdamin nya ay ngingiti at hahalikan ako sa pisngi saka tatakbo papasok sa room nila. "Konti pa anak konti nalang" Sabi ko saka pinunasan ang luha ko at iginiya sya palabas doon na kami dumaan sa likod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD