Nasa loob na kami ng mall at kita ko kung gaano kasaya ang kambal ngayon lang kasi sila nakapasok dito dahil masyadong mahal ang parasahe at feeling ko din ay puro mayayamang tourista lang ang nakakapasok dito. "Dad let's go to toy store! Thea said that there's a new released doll! " Maingay na sabi ni Kath habang nakahawak sa Daddy nya. Habang hawak ko naman ang kambal at nasa gilid naman ni Kate si Ciro na kanina pa tahimik. "Wanna go to the toy store too babies? " Nakangiting tanong ni Kanvin sa kambal nahihiya namang tumango ang dalawa. "Nay Phineas and Ferb! " Mabilis na bumitaw at tumakbo palapit sa stuff toy na disney character nang Phineas and Ferb. "Wow si Sofia the first gaya po to nung kay Chelsea" Masigla ding sabi ni Kate at gaya ni Klave ay tumakbo din sya palapit sa st

