Nagdaan nanaman ang linggo at di nanaman umuwi si Kanvin. Sanay na ako parang mas mabuti nga iyon at tahimik dito sa bahay. Yun din yung laging sinasabi ng anak ko na sana di na umuwi si Kanvin minsan ay napapabuntong hininga nalang ako at napapaisip kung tama ba itong desisyon ko na manatili sa puder ni Kanvin na parang wala din naman minsan lang din namang makita ng anak ko.
Alas-nuwebe na at tapos ko na lahat ng gawaing bahay ako lang ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay wala kasi kaming kasambahay dahil na rin sa kagustuhan ni Kanvin para may pakinabang naman daw ako. Hinihintay ko nalang na dumating si Ciro galing sa paaralan. Ako minsan ang naghahatid sa kanya sa school pag nagrerequest ito lalo na pag wala si Kavin pero paguwian at sumasabay nalang sya sa yaya ng kaklase nya na dalawang bahay lang ang layo sa amin.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto siguro ay si Ciro na yan di ko na ito nilingon dahil sa busy ako kakahilot ng leeg ko. Naramdaman ko siyang nasa likod ko, napangiti ako siguro ay gugulatin nanaman ako nito.
"Baby kung ano man yang binabalak mo wag mo ng ituloy alam ko na yan" Nakangiting sabi ko habang nakapikit pa din, di ito nagsalita ngunit ramdam ko pa ding nasa likod ko pa din siya "Baby pahilot nga ulit ng batok ko masakit nanaman eh" sabi ko, di nanaman ito sumagot, naramdaman ko nalang ang kamay niya sa may batok ko. Nangunot ang noo ko, bakit parang lumaki at bumigat ang kamay niya? Hinawakan ko ito, lumaki nga agad akong napadilat at lumingon sa likod at nakita ko ang blangkong mukha ni Kanvin.
Sa gulat ko ay napatayo ako. Napangisi si Kanvin sa reaksyon ko at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako tingin niya at nanliit din naka T-shirt niya at short na maong lang kasi ako. Wala pa akong bra. Napaakap nalang ako sa dibdib ko.
"Acting like a virgin. Seriously? " Nakangisi nyang sabi saka inilang hakhang niya lang ako saka marahas na hinalikan. Mga halik na parang sabik na sabik at matagal ng di nakakatikim nito. Akmang huhubarin na niya sana ang damit ko nang...
"Nay!" Sigaw ng anak ko sabay bukas ng pinto at tumakbo palapit sa akin, napalingon ako sa anak ko at napaatras naman si Kanvin, ng makalapit si Ciro at agad na niyakap ako nito yumuko naman ako at agad niya akong pinaulanan ng halik. Napatawa nalang ako sakanya.
"Mr. Kalev Ciro Monteverde sabihin mo nga sakin ano nanamang kailangan mo?O baka naman may ginawa ka nanamang kalokohan?" nakataas kilay Kong tanong sakanya, naglalambing nanaman eh siguro ay may kailangan nanaman.
"Nakakasakit na kayo ng feeling nanay" nakasimangot nitong sabi at parang nagtatampo. Napatawa naman ako.
"Asus! Nagdrama nanaman si bulinggit" sabi ko sabay pisil ng pisnge niya.
"Ayy oo nga pala Nay pikit po muna kayo may surprise po ako" nakangiting sabi nito.
"Sige nga ano yun? Siguraduhin mong di yan kalokohan" sabi ko dito na agad niya namang iniling-ilingan, pumikit na ako at di nagtagal ay nagsalita siya.
"Dilat na po" dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko si Ciro na nakangiti habang may hawak na fudge bar at may kandila sa gitna "Happy birthday Nanay!" masaya niyang sigaw na ikinagulat ko naman birthday? birthday ko? Anong petsa na ba ngayon? "Wag nyo pong sabihin nakalimutan niyo nanaman? " Nakangiwi nitong sabi, napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Hehehe~peace anak" nahihiyang sabi ko sabay peace sign.
Napabuntong hininga nalang siya "Ano pa nga ba? Nay blow na po kayo nangangalay na po ako" reklamo niya, napatawa nalang ako sabay blow ng candle, akmang susubuan na ako ni Ciro ng Fudge bar.
Natigilan kami ng may biglang tumikhim. Napatingin kami sa dereksiyon nung tumikhim at nakita namin si Ciro na nakasandal sa pader at nakacross arms, oo nga pala nandyan siya nakalimutan ko.
"Tapos na kayo?" blankong ekspresyon nitong sabi.
"Nandyan ka pa pala? " Di makatingin kong sabi at dahan dahang tinago sa likuran ko ang anak ko.
"Tss. Kadramahan niyong mag-ina" sabi niya sabay talikod.
"Tss. Asshole " mahinang sabi ng anak ko na ikinalaki ng mata ko at tinakpan ang bibig nakita kong natigilan si Kanvin at natiim bagang na nilingon si Ciro.
"What did you say? " Sabi niya sa matigas na tuno at sinamaan niya ito ng tingin. Nakita ko namang sinamaan din ng tingin ni Ciro ang kanyang ama.
"Ahh... K-Kanvin nagbibiro lang siya he he alam mo na pagbata pilyo talaga" pagdadahilan ko. Di niya ako pinansin at nakatuon pa din ang mga mata niya kay Kanvin. Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig ni Ciro saka hinawakan ang kamay niya.
"Si-sige doon na kami sa kusina" sabi ko na pilit hinihila ang kamay ni Ciro, masama pa din kasi ang tinginan nila sa isa't isa hindi lang kasi ang mukha ang nakuha ni Ciro kay Kanvin pati ang ugali nito at ang mannerism din nito tulad ng mainipin ito at ayaw na ayaw ang pinaghihintay, ayaw din nitong di nasusunod ang mannerism nito na pinaglalaruan ang mga labi pag na bo-bored, ang paghawak sa paghimas sa batok nito pag nahihiya. Minsan nga ay nakakatampo na ako ang napakahirap sa pagdadala ng siyam na buwan, wala man lang nakuha saakin.
"Pagsabihan mo yang anak mo. Lumalaking walang respeto. Kung sa bagay ikaw ba naman maging ina niya" sabi niya habang dinuduro kaming dalawa at ngisi ng mapanuya saakin.
"Look whose talking. Alam mo PO pala ang salitang RESPETO. I think ikaw PO ang may kailangan niyan, may respeto PO ako sa mga taong marunong din RUMISPETO ganon PO ako pinalaki ng nanay ko" may diin na sabi ni Ciro sa ama niya. Naku! Ang batang to talaga.Nanlisik ang mga mata ni Kanvin sa sinabi ni Ciro. Patay na.
"If you'll excuse us Sir. My mom and I has something to celebrate. Bye for now" pormal na dugtong ni Ciro saka ako hinila papuntang kwarto namin at iyon ay ang maid's quarter. Tama kayo ng basa never niya pang tinawag na tatay, daddy or papa ang tatay niya Sir lang talaga tawag niya dito.
Nung nasa kwarto na kami ay agad kong hinarap si Ciro.
"Kalev ano yun? Bakit mo sinagot-sagot ang Daddy mo ng ganon? Di kita pinalaking ganyan Kalev! "Sigaw ko sa kanya, Alam niya pag Kalev na itinawag ko sakanya ibig sabihin ay seryoso ako at galit na. Nakita ko namang nanggilid ang kanyang mga luha, masakit man pero kailangan ko siyang tiisin gusto kong ipakita sakanya ang mali niya para matuto siya. Tinalikuran niya lang ako at humiga na saka nagtalukbo sa kumot.
"Kalev kinakausap kita! Di ka na nakakatuwa! Magsorry ka sa Daddy mo ngayon din. Mali ang pinagsalitaan mo siya ng ganon dahil ama mo pa din siya!" Sigaw ko ulit sakanya, this time ay hinarap niya na ako at umiiyak na siya.
"Sawang-sawa na po ako Nay. Sawang-sawa na ako sa buhay natin. May tatay nga ako pero di ko naman maramdaman. Naiingit ako sa mga kaibigan ko na palagi nilang ipinagmamalaki ang mga tatay nila na kung ano ang kaya nitong gawin para sa kanila. May tatay nga ako pero ni minsan ay di niya man lang ako magawang tawagin na anak, may tatay nga ako pero ni minsan ay wala akong magandang alala tungkol sa kanya. Andito nga siya, kompleto nga tayo pero palagi ka naman niyang sinasaktan, niloloko. Naaawa na po ako sa inyo Nay. You don't deserve all of this Nay. Minsan nga ay inisip ko kung talaga bang ako ang dahilan kung bakit nagtitiis kayo dito o baka siya at hindi mo siya kayang iwan" mahabang sabi nito sabay pasok sa bathroom.
Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak di ko alam na ganon may ganon palang nararamdaman ang anak ko, lagi nga akong nasa tabi niya di ko man lang maramdaman na nasasaktan na pala ang anak ko. Anong klase akong ina? Napaka walang kwenta kong ina, napaka walang kwenta kong tao. Di ko man magawang bigyan ng magandang buhay ang anak ko, di ko man lang siya magawang mapasaya. Siguro oras na para manindigan, siguro oras na para gawin ang nararapat.Siguro naman ay bayad na ako sa utang namin.6 years akong nagtiis, 6 years akong nagtiis sa p*******t, sa pangbababoy. Gusting gusto kong umalis pero di ko Alam kung saan ako pupunta buti sana kung ako lang pero hindi, may batang involve ,may Ciro akong kailangang protektahan. Anak ko nalang ang meron ako ayokong pati siya mawala sakin.
Tumayo ako at pinahid ang mga luha ko. Ipinapangako kong ito na ang huling beses na iiyak ako. Ang tanging magagawa ko nalang ang maging matapang para sa anak ko at para sa akin. Kinatok ko ang anak ko, di ito sumagot alam kong nandyan pa din siya dahil naririnig ko pa ang mga hikbi niya.
"Anak" malambing kong sabi pero di pa din ito nagsasalita.
"Anak please labas ka na" still no response.
"Anak kong di ka pa handang kausapin si Nanay ako nalang ang lalabas. Lumabas ka na please." humahagul-gol sabi ko, saktong pagtalikod ko nadinig ko ang pagbukas ng pinto ng cr, tatlong hakbang palang ang nagagawa ko ng maramdaman kong may maliliit na kamay ang yumapos sa bewang ko.
"I'm sorry Nay. Kung napagsalitaan kita ng ganon" umiiyak na sabi niya habang nakaback hug pa din. Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakapulupot saakin. Saka ako lumuhod sa harap niya para magkapantay kami.Hinawan ko ang pisngi niya saka ko pinunasan ang mga luha niya.
"Hindi anak. Si Nanay ang dapat magsorry. Wala man lang akong magawa para sayo, para maging masaya ka"
"No Nay. Ginawa mo na lahat--"di ko siya pinatapos
"Sorry kung ang hina-hina ni nanay. Sorry anak sorry" nakita ko namang nagliwanag ang mga mata niya at niyakap ako ng mahigpit. Sana ay tama ang desisyon ko.
"I love you Nay" malambing na sabi nito.
"Mahal din kita anak"sabi ko at yakap ng mahigpit sa kanya.
**************
6:30 na ng gabi at nandito kami sa kusina ni Ciro nagluluto ng hapunan. Ako naghihiwa habang siya ay nakaupo sa lamesa at pinapapak yung mga ingredients.
"Ciro ano ba di tayo matapos-tapos" kunwari ay pagalit kong sabi. Napabungis-ngis naman ito.
"Nay I'm starving. Dalian niyo na po kasi" nakapout nitong sabi.
"Kaya nga. Behave na para matapos na tayo" sabi ko at kunwaring pinalo ang kamay niya na kukuha ulit ng hatdog. Magmemenudo kasi kami at ilang hatdog at cheese na ang nakakain niya husme wala na kaming pansahog nito.
"Nay look" sabi niya at agad naman akong tumalima nagulat ako ng pahidan niya ako ng sauce. "Hahaha" dining na dinig ang tawa nito sa buong kabahayan. Na siya namang ikinasimangot ko.
"Ahh.Gusto mo ng laro huh?" nakangising sabi ko
"No Nay, I'm really really hungry na" ani nito sabay himas sa kanyang tsan pero nagpipigil ito ng tawa. Tawa ito ng tawa ng kiniliti ng kiniliti ko siya.
"Hahaha... Nay hahaha.. Stop please hahaha... Di na po mauulit" tinigilan ko na siya namumula na kasi ito kakatawa. Nagsimula na ulit kami sa pagluluto at di maiiwasana ang hindi pagkukulitan dahil ang kulit niya talaga.
"Hayyy. Salamat natapos din" sabi ni Ciro at may papahid-pahid pa talaga sa noo na animo ay napagod talaga eh wala naman siyang ginawa kung hindi ay tumikim at magpasaway lang.
Nakarinig kami ng pababa na mga yabag. Siguro ay si Kanvin. Nasa taas lang pala siya ang akala ko ay umalis na. Nakita ko namang naging seryoso ang mukha ni Ciro ng makita niyang naglalakad na palapit sa amin ang ama.
"Ahh.. Kanvin kain na"di ako nito pinansin at tuloy-tuloy lang sa lamesa. Agad naman akong lumapit sa side niya at pinagsilbihan siya ganyan yan eh pagnakain ang gusto ay ang pagsubo niya nalang.
"Nay mamaya na po ako kakain sa kwarto nalang muna po ako" pabulong na sabi ni Ciro na hindi ko namalayan ay sinundan niya pala ako hanggang sink.
"Huh? Diba kanina ka pa gutom? Dito ka na kumain oh" tukoy ko sa maliit na lamesa dito sa dirty kitchen, iba lang kasi ang dinning room at dirty kitchen dito kami palagi kumakain ayaw kasi ni Kanvin na kasabay kaming kumain nawawalan daw siya ng gana.
"Sabay tayo Nay" pacute nitong sabi at nagdog-eyes pa hahaha sino ba naman ako para tumanggi so ayun sabay kaming kumain at inabot nanaman ng syam-syam dahil sa kakulitan niya. Di na nga namin namalayang tapos na pala Si Kanvin.
-----------------------
9:00 am tapos ko na lahat ng gawain, naihatid ko na din si Ciro sa school. Naisip kong gumawa ng kwek kwek nakabili kasi ako nang pugo nung mamalengke ako matapos kung ihatid si Ciro, tiyak na matutuwa si Ciro nito paburitong-paborito nya kasi to naalala ko nun nung magluto ako nun minamaya-maya lang niya halos maubos niya yung 50 pieces di pa nagiisang araw.
Naalala ko nanaman ang pamilya ko. Simula nung napangasawa ko si Kanvin di ko na sila nakita pa at anim na taon na ang nakalipas ang huling balita ko ay bumalik na sila sa probinsya.Naalala ko nun nagtitinda kami sa tabi ng LRT ng kwek kwek, fishball, palamig, barbeque at kung anu-ano pa. Si nanay nagluluto bago pumunta sa bahay nila Kanvin,kami ng dalawa kong kapatid na babae ang nagbabantay, ako at si Andy ang naglalako minsan, ang aming bunso ang naghahatid ng makakain namin at si tatay dumediskarte, nagbago ang lahat nung nalulung si tatay sa sugal at nagkanda utang-utang.
Binuksan ko muna ang radyo at itinali ang buhok ko, saka nagsimula na.
-----------------------------------
Third Person's POV
Tutok na tutok si Laina sa pagluluto pakanta-kanta at pasayaw-sayaw pa ito habang nagluluto. Di niya namalayang may pumasok sa kusina.
Napahinto si Kanvin ng makita si Laina don. Pinasadahan niya ang kabuuan nito nakamaong short lang ito at T-shirt, di halatang may anak na ito dahil sa katawan nitong parang walang pinagbago. Napamura nalang siya sa kanyang isipan ng may maramdaman siyang nagigising. Di niya alam kung bakit natutuwa siyang pagmasdan ito nitong nakaraang araw at kung bakit gustong-gusto niya umuwi ng maaga at pagmasdan ang magina niyang nagkukulitan. Napailing nalang siya sa sarili niya.
"Hindi. Hindi pwede. Galit ka sakanya. Kundi dahil sakanya, di ka sana iiwan ni Sheena, kundi dahil sa kanya kasal na sana kami at may masayang pamilya"
Paalis na sana siya ng biglang bumukas ang pinto siya lang nakapansin dahil busy pa din sa pagluluto. Kita niya ang gulat na bumalantay sa mga mata ng anak ngunit agad din itong nawala at napalitan ng masamang tingin.
"What are you doing here? Planning to hurt my mom again? " Matapang nitong sabi sa kanya di niya manlang namalayang nakalapit na pala ito sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang nakasuksok ang maliliit nitong kamay sa bulsa ng pantalon nito at nakatingala sakanya. Napangisi nalang siya dahil di niya mapigilan ang tawa niya.
"This boy is really handsome. Damn! He really look like me" he mentally murmured.
"Why? The last time I check this is my house" sabi niya at ginaya ang pagkunot ng noo nito at namulsa din. Aaminin niya natutuwa siya dito, kuhang kuha nito ang ugali niya nung kasing edad niya ito.
"Wala akong pake kung ano man ang sumapi sayo Sir. Try to hurt my mom again and I will beat you hard until you cry and beg for my mercy not this time but soon I promise you that, mark my word old man" sabi nito bago siya lampasan, siya naman at nakasunod lang sa bawat galaw nito.
"What the f**k? Old man? For f**k sake I'm just 25" inis na bwilta nya sa isip. Napakunot noo siya nung bumalik ito sa harap niya at namewang.
"I forgot to do this!" nanlaki ang mga mata niya nung bigala nitong suntukin ang p*********i niya saka tumalikod at tumakbo palapit sa mommy nito at niyakap ang mommy nito salikod at tinignan ang ina na parang walang ginawalang kalukohan at inosente pa itong nakatingin sa ina.
"Damn that kid. He really is my son" nasabi niya nalang sa sarili niya at natawa ng palihim.