Kinabukasan. Naalimpungatan si Ciro sa mga kaluskos at mga bulungan na naririnig. At pagmulat ng mata nya nakita niya ang lola na abala sa pagimpake ng mga gamit nya. "Lola bakit ka nagiimpake? Saan tayo pupunta?" Nagugulang tanong ni Ciro. "Gising ka na pala. Magalmusal at maligo ka na. Naghihintay na ang Daddy mo sayo" Sabi lang nito. "Why? What's happening? " Kunot-noong tanong nya. "Pupunta kayong Manila. Naayos na ng Daddy mo ang mga kailangang ayusin kagabi. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Nakaya nyang ayusin yun ng isang gabi lang "Pagkwekwento nito. Agad na napatayo sa tuwa si Ciro sa narinig ngunit agad ding nawala ng maalala ang Tito at Tita maging ang lolo at lola nya. "How about you po? How about Tito and Tita and Lolo?" Malungkot na tanong ni Ciro. Nginitiaan ng mat

