Chapter 16

1475 Words
Lunes na nung pumasok ulit ako bumawi ako sa mga anak ko nagu-guilty kasi ako na naisip ko silang ibigay nalang sa Daddy nila ng ganun-ganon lang ako ang naghahatid-sundo sa kanila sa eskwelahan, tumutulong din ako kay nanay. Binilhan ko na din ang kambal ng mga gusto nila si Kate ay binilhan ko ng bagong damit at mga pangipit sa buhok, si Klave naman ay laruan at bagong damit. Si Ciro ay walang hiningi pero binilhan ko pa rin ng bagong damit at libro tuwang-tuwa naman sya sa libro. Bahala na kung di muna ako makapagbayad makita ko lang silang masaya sobra ng kaligayahan ang hatid nun sa akin. Ito na nga kinatatakutan ko ewan ko kung may trabaho pa nang naghihintay sa akin. Napahinga nalang ako ng malalim nung nasa tapat na ako ng gate ng resort. Si Mang Lino ulit ang guard. "Lena parang mas gumanda ka ata ah ilang araw kalang nawala" Nakangiting sabi nito na akin. "Nambola nanaman po kayo" Iiling iling na sagot ko. "Totoo yun. Teka may nangyari ba? Bakit ngayon ka lang nakapasok. Kamusta yung mga inaanak ko? " Nagaalala nitong tanong. Alam kasi nya na pahinaabsent ako ay may nangyari sa kambal. "Wala naman nangyari Mang Lino. Wag kayong magalala okay lang sila. Sige po pasok na ako" Agad na paalam ko para di na sya magtanong pa. Agad kong hinanap si Sir Rob nang makita ko sya ay agad nya akong nilapitan. Napalunok ako kita ko ang pagkairita sa mukha nito. "Pumunta ka sa office ni Sir Monteverde. Bilis! Ilang araw na mainit ulo nun. Bakit ka ba kasi nagabsent ng walang paalam? Hayy nako Lena" Gigil na sabi nito habang ako ay nakayuko lang. "Bilis na punta ka na doon! "Sigaw nito. "O-opo" Sabi ko at dali daling naglakad papunta sa office ni Kanvin. Nang nasa tapat na ako ay nagririgudon na ang puso ko sa kaba. Huminga muna ako ng malalim saka marahang kumatok. "Come in" Rinig kong sabi nito. Pumasok ka ako nakita ko syang nakayuko at may pinipermahan nakita ko din si Kathlaine sa sofa natutulog siguro dahil wala itong yaya kaya sinama nalang. Ni di man lang ako tinapunan ng tingin. "Ahh.. Sir pinapatawag nyo daw po ako" Kinakabahang sabi ko. Baka tanggalin ako eh ang hirap pa namang maghanap ng trabaho. Doon na sya nag angat ng tingin mukhang nagulat pa ito. Sinandal ito sa swivel chair nya saka ako matamaang tinignan. Napayuko naman ako di ko kayang tapatan ang mga tingin nya. Kahit nakayuko ay ramdam ko pa din ang titig nito sa akin. Kinagatkagat ko na labi ko naiilang at kinakabahan na ako. "So you're back" Nagsalita na ito. Doon na ako nagangat ng tingin pero ang mga mata ko ay nasa mesa nya. "Sorry Sir may emergency lang po" mahinang sabi ko. "Have a sit Heleina" Sabi nito sabay turo ng upuan na nasa tapat nya. Nang makaupo ay saka na ako nagsalita "Lena nalang po Sir" Naiilang at di na din ako sanay sa Heleina. "Okay. Heleina I have a proposal to make" Seryosong sabi nito sabay lean at itinuloy ang dalawang kamay sa may mesa nya. "Be Kathlaine's yaya and you'll get fifty thousand a month for your salary and aside from that you'll have ten thousand every week as your allowance" Dirediretso nitong sabi. Naikinatanga ko. Ang laking pera nun kung sakali sa limang buwan lang mababayaran na namin utang namin. "Sir paano po pagbumalik kayo sa Manila" Tanong ko. "Of course you'll come with us" Balewalang sabi nito. "Hindi na po Sir. Hindi ko po matatanggap yung alok nyo. Sa iba nalang po" Sabi ko sabay tayo. Maglalakad palang ako ng magsalita sya ulit. "Wait. Just to inform you that we'll have Ciro to come with us when we go back to Manila" Sabi nito naikinalingon ko ulit sa kanya. "Hindi Kanvin, hindi ako papayag na isama mo ang anak ko" Madiin kong sabi. "Whether you like it or not he'll come with us. You may now leave" Sabi nito at ipinagpatuloy ang pagpeperma sa mga papeles. "Hindi ako papayag na makuha mo sya saakin dahil simula ng ipinagtabuyan mo sya na wala ka na din ng karapatang maging ama nya!" Galit kong sigaw. Napaangat naman ang tingin nya, madilim na ang mukha nya at tumayo na din sya. "Don't you dare shout at me! " Sigaw nya sabay duro sa akin. "Don't you dare point your filthy finger at me! " Sigaw ko din sa kanya at dinuro din sya. I saw him flinched a little pero saglit lang yun at mabibigat ang lakad na nilapitan nya ako, akmang hahawakan nya ako ng sinampal ko sya ng malakas. "Don't you dare touch me! I resign!" Sigaw ko sa pagmumukha nya saka tumalikod. Bubuksan ko palang sana sya ng may naalala ako nilingon ko sya at nandoon pa din sya nakatanga. "Wag na wag mo na ulit kami guguluhin Kanvin please lang okay na kami eh. Siguro naman ay masaya ka na din wag mo nang pilit na ipagsiksikan si Ciro sa pamilya nyo dahil alam kong di sya matatanggap ni Sheena, naranasan nya na yun sayo, wag mo ng hayaang maranasan nya ulit yun, kung may malasakit ka talaga kay Ciro ay hayaan mo na sya sakin" Mahinahong sabi ko saka tuluyan ng lumabas. Pumunta agad ako sa locker room para kunin ang mga gamit ko. Saka ko nalang ako magpapaalam sa mga kasama ko. Napabuntong hininga ako. Ano ng gagawin ko? Wala na akong trabaho. Di ako nakapagdown sa bangko dahil nagastos ko yung pangbayad sana. Nang makauwi ako sa bahay ay walang tao. Ngayon pala sasamahan ni Ling at yung kambal sa bayan para magparehistro kaya di ko na sila susunduin sa eskwelahan. Napagpasyahan ko nalang maglinis. Nagbihis muna ako ng may komportableng damit saka nagsimula na akong maglinis. Hapon na nung natapos ako sa paglilinis. Saka naman ang pagdating nila Ling kasama ang kambal, si Ciro at Andy. "Oh ate aga mo ah? "Gulat na sabi ni Andy. "Wala ka na don" Pairap kong sabi. Di pa kasi ako handang sabihin sa kanila na wala na akong trabaho. Agad kong nilapitan ang mga bata. Nakita kong nakasimangot si Kate. Nagtataka kong tinignan si Ling. "Di sya nakasali" Sagot ni Ling. "Huh? Bakit? "Nagtataka kong tanong. "Iba na kasi. Mother and Daughter beauty contest na" Sabi lang ni Ling saka pumunta sa Kusina. Nilapitan ko naman si Kate. "Okay lang yan anak sali ka nalang sa iba pang contest" Sabi ko habang hinihimas ang buhok nya. "Nay guto ko sali. Mommy G naman daw po bahala sa gown ko" Nakanguso nitong sabi. "Wala tayong magagawa Anak" Sabi ko pumadyak padyak ito. Napabuntong hininga ako ito nanaman sya sa ugali nya. Nagtatatrums pag di nasusunod ang gusto. "Ate bakit di nalang kayo sumali ni Kuting sa Mother and Daughter beauty contest na yun" Singit ni Andy. "Manahimik ka dyan! Wag mo syang bigyan ng ideya" Masungit kong sabi kay Andy. "Sungit. Ganda ka? " Pairap nitong sabi saka pumunta na sa kwarto nya. "Nay tali tayo please nanay" Pagmamakawa ni Kate. Habang naka puppy eyes pa. "Huh? " Nakatanga kong tanong di ko kasi alam ang sasabihin ko. "Oo nga naman Nay tiyak na kayo ang pinakamaganda doon!" Tuwang tuwang sabi ni Klave. " Anong doon lang sa buong mundo kamo!" Proud na proud naman na sabi ni Ciro. "Oo nga po nay sige na please" Pacute na sabi ni Kate habang nakadaop palad pa. "Huh? Ahh.. Ehh. Anak wala tayong susuotin wala din tayong make up" Padadahilan ko. Nakita kong lumungkot ang mukha nya. "Nako teh! Don't worry anymore. Ako na bahala sa lahat" Biglang sabat ni Gina. Na di man lang namin namalayang pumasok. "Mommy G! " Sigaw ni Kate sabay yakap kay Gina. "Ilang best ko nang sasabihin Gregory kumatok ka naman" Inis kong sabi dito. "Gina nga. Sanlibutan kita dyan eh kaimbyerna to. Baby boy Ciro ikuha mo nga si Mommy G ng tubig nahihilo ako galing pa ako sa kabilang baryo" Pagkwekwento nito sabay upo sa sila. Agad naman tumalon si Ciro sa kanya. Isa din sya sa naging matalik na kaibigan ko at tulong sa amin nung bagong salta palang kami dito. Matagal nya na ako gustong sumali sa mga ganon pangdalaga katawan ko parang walang anak ako lang ang umayaw. "Mars pagbigyan mo na prinsesa mo. Ako na bahala sa make up, susuotin ako din ang magtuturo sa inyo. Saka Mars ang laki ng prize sa mananalo fifty thou, thirty naman sa first runner up twenty sa second and ten sa third" Sabi nito habang hinihilot hilot ang noo nya. Sabay inom ng tubig na inabot ni Ciro. "Nay sige na please, please" Malambing na sabi ni Kate. Napipilitang tumango ako. "Yehey! " Tuwang tuwa nitong sabi Kate. Napangiti at naiiling nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD