Sa buong durasyon ng biyahe namin ay walang nagsasalita dumedede kasi si Kate, si Klave naman ay nilalaro ang laruan nyang robot, si Ciro naman ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana, maging si Kath tahimik lang din sa tabi Kanvin. Saktong pagkarating namin sa kompanya ay saka naman ang pagkaubos ng gatas ni Kate. Agad na bumaba si Kanvin at tinulungan kaming pagbuksan ng pinto. Akmang tutulungan nya si Klave ay sa Kuya nya ito nagpakarga si Kate naman ay nakakapit lang nanamn sa akin tinupak nanaman si Kanvin nalang ang pinadala ko ng mga gamit ko habang karga ko lang si Kate. "Excuse me Ma'am. Bawal po bata" Biglang sabi nung guard papasok palang sana kami sa loob. Napakunot-noo ako walang nasabi sa akin si Stephanie. "Lena!" May tumawag sa akin kaya napatingin ako sa

