If you spend too much time
fearing what's going to happen
and what's going to cause you
to fall apart, you won’t enjoy
what is now, what makes you happy.
So let go of the worry,
throw those fears aside,
and enjoy what you have
at this very moment.
- - -♾- - -
Carla Leanne P.O.V
Pagkatapos ng napakahabang araw ay madilim na ng pauwi na sila,dahil pagkatapos nilang kumain ay dinala pa siya ni kent sa isang sikat na mall.
Ipinamili sya nito ng mga gamit at halos magka undagaga silang dalawa sa pagbitbit,ayaw sana nyang pumayag dahil nahihiya sya sapagkat wala pang mahigit 24 hours ng magkakilala sila at sa loob ng mga oras na iyon ay ang dami ng nangyari na ni sa panaginip ay di nya inaasahan.
kahapon lang umiiyak sya dahil sa pagkakaroon ng pamilyang hindi sya pinahahalagahan.
Ngayon isa na siyang Mrs kent Wisley Ventura.
Hindi nya alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.
Nahihiya man syang aminin sa sarili pero masaya siya hindi dahil nakatagpo siya ng lalaking may kaya sa buhay oh kung ano pa man dahil napatunayan nya na mabait pa rin ang diyos sa kanya dahil hindi sya nito pinabayaang mapahamak..
Kundi ibinigay nito sa kanya si kent na kanyang tagapagligtas.
Nangako ito na aalagaan sya.
Pinakasalan sya nito kahit hindi sya nito kilala.
Sa piling nito pakiramdam nya ay magiging ligtas sya.
Alam niyang mabait ito, may pagka mainitin lng ulo masungit na may pagkasuplado at napansin nya rin na kung ano ang gusto nito dapat nasusunod.
At ngayon ito ang unang gabi nila bilang mag asawa,sabi nito sa condo unit muna nito pansamantalang titira dahil magHahanap pa dw ito ng bahay.
Maganda ang unit nito malinis,
Ang kinakaba na lang nya ang mga magulang nito na hindi pa nya nakikilala, sabi nito nasa ibang bansa daw ang mga ito.
At pagbalik ng mga ito ay ipakikilala sya kaya kinakabahan sya paano kung hindi siya magustuhan ng mama nito.
Iyon pa man ang madalas niyang natirinig sa mga taong nakapag asawa nang mayayaman na masama daw ang ugali nang mga ito.
Pagkatapos nyang makapaglinis at magbihis simpleng t.shirt ni kent na ipinahiram nito sa kanya at ang boxer nito.
Lumabas siya nang kwarto para hanapin ang asawa.
‘What asawa? Talaga Leanna!’ Himutok nang isip niya naabutan niya ito sa mini office nito na nakaharap sa laptop at seryosong nagtratrabaho.
Hating gabi na nagtratrabaho pa rin ito pumunta siya nang kusina at ipinagtimpla ito nang kape.
Tumikhim siya bago niya inilapag sa harap nito ang umuusok pa na kape.
"Thanks"ani nito nang mag angat nang mukha sinipat pa nito ang suot niya.
"Patulog na ako uminom lang ako nang tubig nakita kita kaya ipinag timpla kita gabi na ah..."
Kiming asad niya.
"Tapusin ko lang to" ani nito na tumayo at hinawakan ang dalawang braso niya at iniharap at muntik ng mahimatay si Carla nang dumampi ang labi nito sa sentido niya at mas nagulat si Carla nang binigyan siya nito nang magaan na halik sa labi.
"Goodnight" ani ni kent at tsaka siya pinakawalan at hinatid siya sa magiging kwarto nila.
Nahiga na sya nang lumabas nang kwarto si kent at pinatay ang ilaw
Bumangon siya at agad umusal nang panalangin at pasasalamat sa Diyos.
Nang matapos magdasal
at makalipas ng ilang minuto nakatulog na sya dala marahil ng pagod at mga kaganapan na nangyari sa mga araw na ito.
Nasa in denial stage pa siya sa mga kaganapang nangyayari sa bahay niya.
May pasok siya bukas kailangan niyang pumasok sa klase niya dahil konting konting tiis na lang matatapos na siya nang pag aaral at iyong trabaho niya.
Magpapaalam siya kay kent na kung pwde pa niyang ipagpatuloy ang trabaho at pag aaral niya sana pumayag ito, hindi niya pwdeng pabayaan ang pag aaral lalo na ang trabaho niya paano na ang mga bayarin niya.
Nasa ganoon siyang pag iisip bago lamunin nang antok ang diwa niya.
Naalimpungatan sya ng may mabigat na bagay na hindi nya mawari kung ano nakadantay sa hita niya at bakit ang sikip sikip ng pakiradamdam nya na hindi sya makagalaw at makahinga.
Unti unti niyang Iminulat nya ang mata at tumambad sa kanya ang maamong mukha nito na mahimbing na natutulog.
Napangiti sya ng mapagmasdan nya ang kabuuan ng mukha nito ang mapupula nitong labi na para bang nag aanyaya na halikan nya at dahil sa napaisip ay ipinikit nya na lang ang mga mata nya.
Nakadantay pala ito sa kanya at nakaunan sya sa mga braso nito.
Muli syang natulog na may ngiti sa labi.
Salamat nang marami
Lovelots?
-YajNna20?