Faith doesn't exempt you from problems or gives you answers right away. It gives you the strength to get through them... ⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐ JAY P.O.V Nagising siya sa kirot na nararamdaman mula sa kaliwang braso at labis ang pagtataka niya sa pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang kwarto siya na napapalibutan ng kulay puti. Doon niya lang naalala na naaksidente sila naaksidente ang bus na kanilang sinasakyan. Agad siyang napabalikwas ng bangon ng maalala ang babaeng kasama kahit hindi niya ito kilala at pagsusungit lang ang ipinakita nito sa kanya ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mag alala para dito. Napatingin siya sa orasan kung hindi siya nagkakamali 10am na ng umaga ang haba ng naitulog niya. Bumukas ang pinto at may pumasok na babaeng naka kulay puti na kung hindi siya nag

