•Lilac• Gusto sanang manatili ni Trayne sa bahay ngunit tinawagan naman ito ng sekretarya niya dahil may bagong kaso daw. Hindi na niya ito pinigilan lalo na at sa tingin niya ay importante ang lakad nito. "Mommy, sleep na po tayo ulit?" tanong sa akin ni Lucas at tumabi na sa akin sa kama. Kaagad akong tumango rito at tinapik ang braso ko para umunan ito roon. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako, bago sumiksik sa aking dibdib. Katulad ng ama nitong si Szellous, doon din ang paborito niyang pwesto bago matulog. "Mommy, bakit po sabi ng guy kanina Anak—" Napatigil sa sasabihin niya si Lucas nang tumunog ang cellphone ko sa mesa. Agad nito iyong inabot at binigay sa akin. "Hello," bungad ko rito, kahit hindi pa tinitingnan ang caller ID. Napakunot ang noo ko nang di ko makilala

