Seve• Madilim na kaming nakauwi, ipinasyal ko muna ang mag-ina ko. Gusto kong gumaan ang pakiramdam ni Lily bago kami umuwi sa bahay, lalo na at kasama namin sa isang bubong si mommy. "Okay ka na? Makakaya mo pa ba na harapin si mommy? O papauwiin ko na siya?" Umiling ito at hinawakan ako sa kamay, sinalubong naman kami ni mommy na hindi na maipinta ang mukha. "Ano may nakuha ka ba sa pagsama mo sa babaeng 'yan—" "Mommy, kung ayaw niyo pong mas lumala ang galit ko sa inyo, respetuhin niyo po ang babaeng mahal ko. Iyon lang po ang mahihiling ko sa inyo, sa kabila ng lahat nang ginawa niyo," mariin kong ani. Umirap naman ito sa akin at pumasok na sa loob ng bahay. Humingi naman ako kaagad ng paumanhin kay Lily. "Papa, may tumatawag po sa phone niyo!" Patakbong lumapit sa amin si Luca

