•Seve• "Hahayaan mo lang?" "Kinuha na ng iba pero hinayaan lang kaya ka miserable, eh. Di ka marunong bumakod. Di ka marunong lumaban sa taong mahal mo." Ginulo ko ang aking buhok dahil sa ingay ng mga kaibigan ko. Para itong mga demonyo na nag-uudyok sa akin na gawin ang mali. Paano ko naman ipaglalaban si Lilac, kung may Jonalyn pa sa buhay ko. Kailangan ko munang ayusin ang buhay ko bago bumalik sa kanila. "Alam niyo naman na nasa tabi ko pa si Jonalyn. Hindi ko naman kayang saktan ito. Alam niyo naman ang rason diba?" matamlay kong pahayag. Kapag nakipaghiwalay ako kay Jonalyn ay magpapakamatay si mommy at iyon ang ayaw kong mangyari. Isa akong anak na labis na nagmamahal sa ina na nagpalaki sa akin. "Pare, kapag hindi mo hinabol si Lilac at ang anak mo ngayon. Tiyak na pagsisi

