"You look . . . dead. Ayos ka lang, Cath?" Ibinalik ako ng boses ni Elle sa kasalukuyan. Ilang beses akong napakurap sa kanya bago ako napatingin sa pagkain na nakapatong sa small table. Malamig na ang carbonara sa plato ko at natunaw na ang ice sa watermelon juice ko. Oh, crap. "U-Uh, yeah. I'm fine." Inilapag ko ang hawak kong tinidor at pilit siyang nginitian. Napakunot ang noo ni Elle. "Sigurado ka bang, uhm, nakakalimutan mo si Arthur diyan?" puno ng pag-aalala ang boses niya. Napakurap ako dahil sa kanyang naging tanong. "Si Arthur?" She raises a brow at me. "Uh, yeah? Arthur Padilla, ang ex mo na ikakasal na sa model ng Grace na si Queenie," she answered in a matter-of-fact tone. Napaawang ang labi ko at pilit na natawa nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy ni Elle. "Ah,

