Chapter 35

3164 Words

Sinalubong ako ng preskong ihip ng hangin pagkababa ko sa pantalan. Kamuntik pang mahulog ang suot kong summer hat, mabuti na na lang ay agad ko rin itong nahawakan. Tila isang tagpo sa isang pelikula ang pagdaong ng yate ko sa isla na ito. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng labis na kasiyahan habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar na siyang naging kanlungan ko noong mga panahong nais kong makalimot. Mariin akong napapikit habang pinapakiramdam ang sinag ng araw na humahalik sa balat ko. Ang hampas ng alon sa dalampasigan, ang amoy ng karagatan, lahat ng ito ay bumubuhay sa aking puso. “It has been a year, Isla Pahuway,” bulong ko sa hangin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay sinalubong ako nang nakangiting mukha ni Manong Carlito. Magalang siyang yumukod sa ‘kin pagkatapos ay i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD