“I’m sorry, but I already have a boyfriend.” Naibuga ni Uncle Bob ang iniinom niyang juice nang marinig ang sinabi ko. Sina Mama at Papa naman ay ilang beses na napakurap habang nakatingin sa akin. Napaupo si Mama sa upuan na kaharap ko na hindi inaalis ang mga mata sa ‘kin. Walang hiya! Nadala lang ako sa emosyon ko! “Totoo ba ‘yan?” hindi makapaniwala niyang tanong. Marahan akong tumango sabay lingon kay Uncle Bob. “Kaya pasensya na ho, Uncle Bob. Pero mahal ko ho ang boyfriend ko,” madamdamin kong wika. Naningkit ang mga mata ni Papa habang nakatingin sa ‘kin. Nababalisa na ang buong sistema ko pero hindi ko na p’wedeng bawiin ang lumabas sa bibig ko. Besides, totoo naman ang sinabi ko. Kahit na nililigawan pa lang ako ni Chase, darating din naman ang araw na sasagutin ko siya. At

