“Ma’am, may lunch box pong iniwan si C.A sa baba. Ilalagay ko po ba sa mesa n’yo?” I glare at Lizzie. Kakarating ko lang sa opisina ko tapos ito agad ang ibubungad niya sa ‘kin? May bukol pa ako dahil sa nangyaring insidente kahapon for goodness sake! “Do whatever you want with it. I already told you, wala akong kilalang C.A. Lahat ng ibibigay niya, ikaw na ang bahala. Hindi kaya ibigay mo sa mas ma-a-appreciate ‘to.” Napangiwi ako nang maramdaman kong kumirot ang bukol sa aking noo. Walang hiya ang sakit! Yesterday was a disaster. Naglakad ako patungo sa desk ko saka pabagsak na naupo sa aking swivel chair. Napapikit na lamang ako habang hinahaplos ang aking noo sabay sandal sa aking upuan. “Liz, pakikuha nga ako ng ice pack,” utos ko. “Masusunod po, Ma’am.” Nang marinig ko ang pa

