THUNDER LAVISTRE NAPA TAYO AKO NG SABIHIN SA AKIN ni Ava ang nangyayari sa labas ng kumpanya. “Boss ano gagawin natin? Hawak nila ang iba ninyong empleyado!” Tanong ni Ava sa akin. Agad akong kinuha ko ang baril ko at inalis ko na ang suot kong suit. “Tawagin mo silang lahat at ipaalam ang nangyari!” Utos ko at nag lakad na ako patungo sa hagdan hindi na ako nag elevator, dahil kapag ganito ang nangyayari hindi ligtas ang gumamit nito. “Kuya Danny! Sabihan mo ang control room na ipatigil ang lahat ng elevator! Para maiwasan ang pag sakay!” Utos ko ng maka salubong ko ito. “Sige Sir!” Sagot nito bumaba na ako habang sinusuot ko ang earpiece ko. “Kayong lahat huwag kayong didikit sa salamin at pinto! Papasukin ko dito ang mga Yakuza na ito! Sabihan niyo ang lahat! Mag tungo kayo sa huli

