FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAGISING AKO SA SIKAT NG ARAW na pumapasok sa loob ng silid ko. “Mabuti naman at gising kana, ang mag ama mo nasa mansion pa de-deretso sila dito..” napa lingon ako kay Cindy ng mag salita ako. “Kumusta ka?” Tanong ko dito. Tiningnan lang ako nito at ngumiti. “Okay lang naman ako, bangon ka ng kaunti para maka-kain kana dahil alam namin na hindi ka pa nakaka kain ng maayos.” Mahabang paliwanag nito. Tumango ako at dahan dahan akong bumangon at umupo muna ako. Hinanda naman nito ang pagkain ko. “Sila Doña Amelia? Kumusta sila?” Tanong ko dito kinuha ko ang kutsara at tinidor. “Under na sila ng hospital huwag kana mag alala..” sagot nito tumango ako at sumubo ako ng sabaw na tingin ko galing ito sa mansion. “Si Thunder ang dala niyan halos ka-aalis la

