THUNDER LAVISTRE “Hawak na ng mga Agent si Flame,” wika ko halos kababa lang ng tawag sa akin ni Onze. “Hindi ba siya sasaktan doon?” Tanong ni Hanz na kararating lang nito halos kinse minutos na ang lumipas. Tumayo lang ako at pinanood ang first senate hearing. “Hindi, matatakot silang galawin si Flame kung noon si Flame ang takot kumilos dahil buntis si Flame. Ayaw niyang malagay sa kapahamakan ang anak nila ni Blake ngayon wala siyang kargo sa katawan. Alam nilang hindi ito mapipigilan..”paliwanag ko. “Napag tatagpi ko na kung bakit hindi lumaban si Flame noon, bakit mas pinili nito na iasa sa atin ang laban at iwan tayo noon. Kung bakit niya pinili na mag pakulong na lang kesa lumaban..” wika ni Azi. “Yun ay para protektahan ang bata sa loob ng t’yan niya na unti unting nabubuo..”

