FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Matapos maka alis ng mag aama ko nag tungo naman ako sa underground upang maki balita. “Miss Flame, nakakuha po ako ng unang information tungkol sa mga tauhan ng Los Trados..” wika ni Onze. Bago ko pa makuha ito agad itong nawala sa paningin ko. “Pabasa ako..” narinig kong wika ni Damon. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan na ito. “Oh natatandaan ko ang isang ‘to!” Napa lingon ako ng mag salita si Damon. “Sino?” Tanong ko dito. Lumapit ito at tinuro ang litrato. “Kanang kamay siya ni Don Martino! Nakita ko siya na kasama ng matandang ‘yun! Kung tama ako wala siya ng laban..” paliwanag nito at tiningnan ko ng maigi. “Hindi ko sila kilalang lahat, wala naman akong paki kung tauhan sila o hindi..” sagot ko at binalik ko ito sa kanya. Nilingon k

